57th Chapter
Mercedes Ian Gabriel
I can barely walk after that quickie and I must say, it's the roughest so far. Tsk. Hindi ako makaget-over sa ginawa niyang iyon. What happened to my sweet, gentleman Henares? Mukhang pagod na siya sa ganung klase ng-- pota hindi ko masabi.
"Zed! Pagod na ko! Sorry na kasi!" angal ni Pyre,
Isa pa 'to. Akala niya siguro makakaligtas siya sakin. Ilang linggo ko siyang pinagbigyan matapos ng nalaman kong ginagawa niya sa eskwelahan.
"Hindi. Umayos ka ng tayo diyan at dadagdagan ko yan. Nakakalimot ka yata sa usapan natin Valentine." sabi ko at saka pinatungan ulit ng libro ang braso niya.
It may seem like a simple punishment pero mahirap parin ang pag-squat habang may mabigat na nakapatong sa braso mo. And she's doing that for 4 hours straight already.
"Hangga't nasa puder kita, susunod ka sa patakarang ibibigay ko. Sumama ka sakin dito at nangakong hindi ka papasok sa kahit anong gulo. Mananahimik ka at tatapusin ang pag-aaral ng walang problema pero ano ang nangyare, Pyre?"
"Hindi ko kasalanang tanga siya! Nagdulas siya sa hagdan at nalaglag! We were arguing dahil muntik na niyang malunod si Naomi! I was just standing up for her! Anong masama doon!" katwiran niya pa.
"Don't lie to me. You know how I hate liars." I warned, rinig ko ang pagsinghap niya mula sa likod ko.
"Huling babala ko na sayo ito, Pyre Valentine. Lumayo ka sa gulo. Sa oras na makabalita ako ulit, aalis ka sa eskwelahang iyon at uuwi ka sa inyo."
Hindi ko parin siya nililingon dahil alam kong naiiyak na siya. She hates the idea of leaving me. Pero alam naming dalawa na darating ang panahon at mawawala ako sa tabi niya. Kailangan niyang matuto mag-isa. Hindi lang siya kundi ang mga taong umaasa sakin. At some point they have to live without me.
"Naiintindihan ko. Pero paano kung saktan nila ulit si Naomi at Aki?" malungkot niyang sabi,
Tumayo na ko mula sa mesa ng aming maliit na tahanan at lumapit sa kanya.
"Ako na ang bahala doon. Kung importante sila sayo, importante na rin sila sakin. Gusto kong mag-aral kang mabuti at lumayo sa gulo. Mamuhay ka ng normal, Pyre. Panibagong yugto na ito ng buhay mo."
Tuluyan na ito lumuha at umakap sa beywang ko na parang bata.
"Salamat, Zedie. Salamat sa lahat ng tulong mo samin."
Tumango lang ako. Ang tanging tulong na ginawa ko lang ay ang panatilihing ligtas ang pamilya niya samantalang ang binigay nila sakin ay higit pa. Minahal nila ko at tinuring parte ng buhay nila sa kabila ng mga masasamang bagay na nasaksihan nilang ginawa ko.
Matapos ang pagrerelease ko ng pera para sa allowance ng mga nag-aaral, pampagamot ng mga may sakit, pambili ng pagkain at kung ano-ano pang gawain ko dito sa Baranggay Mapayapa at sa Valuarte, gumayak na ko para puntahan ang mga Irvings.
Balak kong isama si Mayhem kaya pagkatapos ko ay pinuntahan ko siya sa kwarto. Nakaupo lang siya sa kutson at tahimik na nilalaro ang iPad ni Everest. Hindi siya lumalabas sa kwartong ito dahil alam niyang takot ang mga tao sa kanya. Hindi naman namin sila masisi dahil nasaksihan ng mga ito ang unang pagdating ni Mayhem. And I must say, it was bloody.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko, dahil parang hindi naman laro yung app na bukas.
"It's called chat, Mama."
Chat?
"Sinong ka-chat mo?"
My little boy smiled. Breaking his usual cold expression.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...