1st Chapter
Mercedes Ian Irving
Kahit paulit-ulit, gustong-gusto kong tinatanong si Tatay kung paano ako napunta sa kanya. Ang sabi niya ay biktima daw ang pamilya ko ng isang kalamidad sa malayong probinsya, walang nagclaim na kamag-anak nung mga panahong iyon at sakto namang nandun si Tatay Ian, nagbovolunteer sa mga nasalanta, iyon kasi ang gawain ni Tatay, nagdodonate sa charity, nagbovolunteer sa Africa, at kung ano-ano pa, malaking blessing daw ako sa kanya nung panahon na yun.
May mga kapatid ako, yung una samin na inadopt din ni Tatay, si Cece 23 years old na siya at kasal na, si Gabby yung isa, 20 na siya at nakabukod na, tas ako 17. Lahat kami adopted ni Tatay, hindi na kasi nag-asawa si Tatay, 21 years old nga daw siya ng iadopt niya si Cece, at wala na daw siyang balak na mag-asawa simula nun. Bata pa si Tatay at maraming nagkakagusto sa kanya, dahil bukod sa gwapo ay mayaman si Tatay pero wala siyang interes busy siyang tao at samin lang niya nilaan ang mga panahon niya. Kami lang daw ang kailangan niya.
Pero ewan ko lang ha, kamusta naman si Georgina na inuwi niya sa pad niya kagabi, magulo rin kausap si Tatay eh.
"Anak, nako-contact mo ba si Cece?" tanong niya sakin, nasa open area kami ng kitchen nagkakape muna habang di pa tapos magluto si Nanang, siya kakagaling lang niya sa pad niya, matapos niyang umuwi dito kagabi galing dun sa conference niya sa Italy, kasama niya yung Georgina tas nagpunta sila dun sa pad niya, nagpakita lang sakin, saking anak niya na lagi siyang pinagtatakpan kay Gabby, ayaw kasi nun na may dinedate si Tatay, ayoko rin naman kaso, bahala na si Gabby.
"Hindi ko pa natatry this week Tay, teka try ko." Ki-nlose ko muna yung site na inoorderan ko ng bath bombs at saka di-nial ang number ni Ate Cece, nagring naman.
"Nagring sakin, ano ba yung meron ka Tay? Nagpalit siya last month di ba?" napakamot sa batok si Tatay, nakakatawa siya tignan pag ganyan, wala sa itsura na single father, nakathree piece suit pa siya kanina na siyang suot niya kagabi or madaling araw na yata yun? Nakaalis na ang itim na necktie at nakatupi ang white longsleeves, matangos ang ilong ni Tatay at manipis ang labi, mukha siyang artista sa movies, naaalala ko sa kanya si James Bond, Italian version HAHA.
"Ha? Nagpalit ba ulit? 006 yung dulo nung nasakin" sagot nito, baritonong-baritono boses ni Tatay kaya siguro nagkakandarapa yung mga babaeng nasa conference, kitang-kita ko sa TV nung isang araw sa CNN.
"Akin na phone mo, lagay ko yung bago." Napailing na lang siya, samin kasing tatlo si Ate Cece ang laging iniitindi ni Tatay, hindi kasi nagkukwento yun, tahimik lang, saka ang alam lang namin ni Tatay hindi sila good nung family ng asawa niya, although gusto niyang tumulong, ayaw ni Ate, baka magkagulo lang. Si Tatay kasi, Papa Bear masyado. Inabot niya sakin ang phone niya, napangiti ako sa wallpaper, kaming apat yun nung 17th birthday ko.
"Nagkikita ba kayong magkakapatid kahit wala ako?" umupo siya sa tabi ko, habang nilalagay ko ang number ni Cece.
"Opo last month, alam mo na tuwing libre lang kami. Si Ate kasi busy sa orphanage saka dun sa ospital. Si Gabby, sa school at dun sa pastry shop. Ako naman sa school" inabot ko na ang phone sa kanya,
"I see. Marami ka bang activity sa school?" tumango ako at ngumiti,
"Di mo naman napapabayaan ang academics mo Mercedes?" sinamaan ko siya ng tingin, ayokong tinatawag ako sa buo kong pangalan, si Tatay kasi mahilig sa kotse di ko alam ba't saming tatlo ako pa napili niyang pangalanan nun. Tumawa siya at tinaas ang dalawang kamay.
"But seriously anak, your grades?"
"I'm doing great Tatay, you can expect a latin honor from me." Pagyayabang ko, well, totoo naman! Tumango siya at uminom ng kape niya, hindi naman kami pinepressure ni Tatay, para samin rin naman yun saka nakakahiya naman sa mga kapatid ko kung ako lang ang walang latin honor samin, Summa Cum Laude si Ate Cece, si Gabby sure na Summa or Magna Cum Laude yun, dapat lang na maging proud din sakin si Tatay.
BINABASA MO ANG
Pyromania
RomancePYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving has always been a good daughter, sister, friend and an outstanding student. Lahat na iyan ay pinagh...