Prologue

499 20 8
                                    

Rod's Pov:

Daddy ! Daddy ! ...

Pinatay ko ang tawag ng secretary ko ng narinig kong tinatawag ako ng anak ko at tumingin dito na tumatakbo na ito palapit sa akin.

"Daddy ... Busy ka ?" Tanong naman ni Savanna sa akin.

"For you baby, no ... Anything you want ?" Nakangiti ko na tanong sa kanya.

"I'm bored !!! Can we go outside ?" Naka pout naman nito na tanong.

"Where do you wanna go ?" Tanong ko naman sa kanya.

"I want to go to the mall. Can we ? Can we ?" Masaya naman nito na tanong.

Tumango naman ako dito at pinakiusap na ayusan ito at mag aabang na lang ako sa kotse.

Habang inaantay ang anak ko ay iniisip ko parin ang sinabi nito sa akin kagabi bago sya matulog.

How come a child misses her mom without even knowing her or meeting her even just once ?

Naa awa ako kay Savanna, iniwan ito sa harapan ng gate ng hindi man lang sakin humaharap ang nanay.

Isa lang naman ang nagalaw ko sa buong buhay ko na nagba bar ako. Pero malabo na ang mukha nya sa paningin ko kaya hindi ko na din ito maalala kung sino.

Pero alala nya ako kaya sigurado na alam nya at nakikita nya kami ng anak nya hanggang ngayon.

Kung babalik man ito at kunin si Savannah. Aasa lang sya dahil hinding hindi ko ibibigay ito sa kanya.

Simula ng iwan nya ito sa akin, ay ako na ang may karapatan sa kanya kahit na nanay pa sya nito.

Nawala ako sa pagkatulala ng biglang bumukas ang pinto.

"Daddy let's go po" excited na sabi nito sa akin.

Ngumiti naman ako dito at pinatakbo na ang sasakyan.

No one knows I'm a billionaire. Masyadong private ang buhay ko na walang naka kaalam na ako ang nagmana ng isa sa nangungunang wine company sa buong Asia.

Mabuti na din yun para nakakagala kami ng anak ko ng normal.

Pagkadating namin sa mall ay masaya lang naman itong naglalaro sa game zone.

Maya maya ay pinabantayan ko na ito kay Laura ang nag aalaga sa kanya dahil may tumatawag sa akin.

Dahil naka tingin ako sa phone ko ay may naka bangga naman ako paglabas at papasok naman sya.

Nahulog ang token na hawak nito dahilan para sumabog sa sahig.

"S-sorry miss" paumanhin ko naman at hindi naman ito tumitingin habang parehas kaming dumadampot ng nahulog na tokens nya.

"Okay lang" sagot naman nito ng matapos kami sa pagpupulot.

Inabot ko naman sa kanya ang napulot ko at ngumiti naman ito sa akin.

Saglit akong napatulala dahil sa mukha nya.

Nawala ako sa pagkakatulala ng marinig ko ang boses ni Savanna.

"Mommy !" Tawag naman nito sa babae.

Nakita ko naman ang bigla ng mukha ng babae dahil mukha naman itong nasa late 20's lang.

"Savi hindi yan mommy mo" pigil ko naman sa kanya at binuhat ito dahil nakayakap ito sa hita ng babae.

"But I imagine she looks like mommy" sabi naman ng anak ko.

Natawa naman ako dito ng may halong lungkot dahil nagha hanap talaga ng kalinga ng isang ina.

"S-sorry miss" paumanhin ko ulit sa kanya.

Ngumiti lang naman ito sa amin at nagsabi ng okay lang naman.

Paalis na ang babae ng biglang mag tanong si Savanna.

"What's your name po ?" Tanong nito sa babae.

"I'm Imee. Ikaw ?" Nakangiti naman na tanong nito.

"Savanna po, but everyone calls me Savi or Sabsab" nakangiti na sagot nito.

Kinurot naman ng marahan nito ang pisngi ni Savanna.

"Ang cute mo naman, siguro cute din mommy mo" nakangiti naman nitong bati.

"I don't have mommy. But daddy will find soon diba po daddy ?" Tanong naman sa akin ni Savi na ikinagulat ko sa hiya.

"Ay miss sorry ang daldal noh ?" Nahihiya ko na lang na reaction.

"Okay lang, bata eh. Sige po una na ko, ba bye sabsab" nakangiti naman nito na sabi.

Nang lumayo ang babae ay sinundan ko pa ito ng tingin.

"Daddy, can she be my mommy ?" Tanong naman nito.

Dito ay natawa na ko ng tuluyan sa kanya.

"Savi hindi ganun kadali humanap ng mommy" sagot ko lang naman dito.

...

Nang matapos kami mag mall ay nakatulog naman na ang anak ko at binuhat ko ito papuntang kwarto.

Pinag masdan ko lang naman sya habang natutulog.

"Bakit kasi iniwan ka lang ng mommy mo sa akin. Ikaw tuloy ang nangungulila"

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon