Chapter 18

960 31 5
                                    

Kinabukasan ay nagising ako ng wala na si Savi sa kalapit ko pero meron malaking bouquet ng red roses.

Hindi ko naman ito pinansin at bumangon na sabay nag ayos ng sarili.

Paglabas ko ay nakita ko si Savi at si nanay Felia. Pinapakain nito si Savi.

"Mommy !!! Lola cook for me spaghetti" masaya naman nito na sabi.

"Okay, later we are going to attend Tito Tommy mom's birthday, so samahan mo si mommy sa mall ha ? Bibili tayo ng gift" sabi ko naman dito.

Tumango naman ito at bumalik kay nanay para sumubo ulit.

"Imee, nakita mo ba yung malaki na bulaklak ?" Tanong naman sa akin ni nanay.

Umupo na ko sa harapan nya at tumango.

"Kay Rod galing" maikli nito na sabi.

"Nay ... Hindi po ako nun gusto. Gusto nya lang ako para sa anak nya" sagot ko naman.

"Anak bigyan mo ng chance" sagot din nito.

Tumingin naman ako sa kanya.

"Gusto mo din kasi nay para di ako mapunta kay Jake" sabi ko naman.

"Anak hindi sa ganun, pero mukha naman mahal ka ni Rod talaga" sabi din naman nito.

"Hindi nyo nga ho sya kilala" sagot ko naman.

"Kinukwento ni Cynthia. Saka nagpa alam sya sakin na liligawan ka nya" sabi naman nito.

"Wag ho kayo maniwala dun" sagot ko ulit.

"Kung anak mo ang bata na ito. Hindi ka parin maniniwala sa kanya ?" Sabi naman nito na ikinatingin ko.

"Sinabi nya sakin kung paano nya nalaman na anak mo ito" dagdag naman nito.

"Na kay Rod lahat ng paliwanag. At kapag narinig mo lahat iyon. Wag ka magba bago anak ha ? Kahit magalit ka kay nanay" naiiyak nito na sabi.

"Nay ano ho bang sinasabi nyo ?" Taka ko naman na tanong.

"Basta ... Ang isipin mo lang ginawa lang namin yun kasi ayaw ka namin mapahamak sa mommy at daddy mo" sabi naman nito at umiiyak na.

"Nay, hindi ko kayo maintindihan" kabado ko naman nang sagot.

Ngumiti lang naman ito ng tipid at pinagpa tuloy ang pagpapa kain kay Savi.

...

Habang nagda drive ay iniisip ko parin ang sinabi ni nanay na magagalit ako sa kanya kung anak ko si Savi at marinig ko kung ano man ang meron si Rod na paliwanag.

Nasa hospital naman na ko at nakabili na kami ni Savi ng gift ng makasalubong ko ang kaibigan ko.

"I told you bukas pa ang result pero dun na ko sa fastest way nag process. Eto na" sabi naman nito at nag pasalamat lang ako.

Pagdating ko ng office ay naupo ako at ni lock ang pinto.

Wala naman si Vien dahil wala naman kaming gagawin ngayon dito sa hospital at check lang naman ako ng papers.

Binuksan ko ito at nagulat sa resulta.

"99.99%" mahina ko naman na sabi at napatingin sa anak ko na nagla laro sa may sofa.

Tumakbo naman ako kay Savi at niyakap ito ng mahigpit.

"Mommy I can't breath po" reklamo naman nito.

Natawa naman ako habang umiiyak at hinalikan ito ng paulit ulit sa buong mukha.

"Mommy stop na !!!" Reklamo nya ulit pero niyakap ko lang ito ulit at tinignan sya ng labis ang tuwa.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon