Chapter 31

179 17 16
                                    

Imee's Pov:

Sabado ngayon at mamayang 3 ay susunduin ako ni Tommy dito sa bahay.

Paglabas ko ay nakita ko naman si Rod na nakahiga parin.

Lalampasan ko naman ito ng umubo ito at inayos pa ang kumot nya.

Tinignan ko naman ito at hinawakan ang noo.

"Bakit may lagnat ka ?" Tanong ko naman dito.

"I'm okay Imee" maikli naman nito na sagot.

Nakita ko naman na may tubig at kalat ng gamot sa may table.

Mukhang kagabi pa sya may sakit at di ko ito namalayan.

Umupo naman ako sa tabi nito at inalis ang kumot.

"Imee, nilalamig ako" reklamo naman nito sa akin.

"Maligo ka Rod, para mawala yung init ng katawan mo, saka patayin natin itong aircon para din ma release yung init" sabi ko naman dito.

"Sige na ... Ako na gagawa, kumain ka na sa baba" sagot naman nito sa akin.

"Hindi ako aalis hangga't di mo ginagawa ang sinasabi ko. Tayo na jan at maligo ka na. Mainit ka oh" sagot ko naman at hila dito.

"Imee naman eh" reklamo pa nito.

Nagta taka naman ako kung bakit Imee na lang ang tawag nito sa akin. Kahapon pa din sya walang imik masyado.

"Imee ha !" Maikli ko naman sabi pero di ako nito pinansin at pumikit parin.

"Rod naman eh, listen to me" inis ko nang reklamo dito.

"Babe alis na. Mahahawa ka lang eh, may date pa kayo ni Tommy" sagot naman nito.

Mukhang nagse selos kaya Imee lang ang tawag kanina.

"Mamaya pa yun hapon. Dali na ! Bangon na, at maligo ka muna para ma release yung init sa katawan mo" sagot ko naman dito.

Hindi naman ako nito pinansin kaya tinanggal ko ulit ang kumot sa kanya pero binalik ulit nito at tinanggal ko ulit hanggang sa paulit ulit namin itong ginawa.

"Babe ... Sige na, tatayo na. Ang kulit !" Inis naman nya na reklamo din.

Hindi naman ako umalis sa kwarto at inantay ito na matapos maligo at mag bihis.

Nang maka labas ito ay hinipo ko naman ito agad at medyo mainit parin.

"Bakit ka nagka sakit bigla ? Ano ba ginawa mo ?" Tanong ko naman dito.

"Babe mukha ba kong tropa ng virus para malaman ko kung kelan sila dadapo sa akin ?" Tanong naman nito sa akin.

"Kahapon ka pa badtrip ? Anong meron ?" Diretcho ko naman na tanong dito.

"Wala, masama nga lang pakiramdam ko" mahina naman nito na sagot.

"Wag mo lapitan si Savi, mahirap pag ayun ang mahawa. Hindi tayo parehas makaka kilos at palagi lang yun magpapa kalong" paalala ko naman dito.

Tumango naman ito sa akin.

...

After kong kumain ay si Rod naman ang dinalhan ko ng pagkain dahil hindi ito bumaba at masakit daw ang katawan nya.

Binilinan ko naman sila manang na wag ilapit si Savi sa daddy nya dahil may sakit ito. Buti na lang at nasa mood ang bata ngayon at hindi nang gugulo.

Pagbalik ko sa kwarto ay tulog naman ito kaya ginising ko naman para kumain.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon