Rod's Pov:
"I think I saw Amanda ..."
Tanging nasabi ko na lang kay Chris habang kausap ito sa office ko pagkatapos ng meeting namin kanina.
"Impossible pare ... They got into an accident with her stupid boyfriend na sinamahan nya" sagot naman nito sa akin saba'y upo sa tapat ko.
Hindi naman ako nagsalita.
"So ano ? Kung nakita mo sya ? Babaliwalain mo ba si Imee ?" Tanong pa ulit nito sa akin.
"Mahal ko si Imee" sagot ko naman sa kanya.
"Nagtaka lang ako at saka hindi ako sigurado kung si Amanda iyon" dagdag ko pa.
"Pare kung ayaw mo na kay Imee, ako manliligaw dun" biro naman nito sa akin.
Binato ko naman ito ng papel.
"Papa kasalan ko si Imee. Ang hirap lang mapa oo, pero kaya ko. Kaya lumayo layo ka Chris baka di kita ma tantya" seryoso ko naman sagot.
Tumawa naman ito sa akin.
"Baka lang naman kasi ayaw mo dahil nakita mo ang first love mo" sagot naman nito.
"Sayo na si Amanda !" Inis ko naman na sagot.
"You know Imee's trauma pare, masasaktan sya o magkakaron lalo sya ng trust issue sayo kapag nalaman nya if kung totoo nga na buhay si Amanda" sabi naman nito.
"Kaya nga di ko sinabi sa kanya kagabi eh, baka kasi akalain nya na mahal ko parin yun. Isa din sa hindi nya sigurado kasi na baka ang tingin ko lang sa kanya ay si Amanda" sagot ko naman.
"Hindi ba ? After Amanda kasi ay ngayon ka lang ulit na baliw ng ganyan sa babae. So baka miss mo lang si Amanda" sabi naman nito.
"Hindi Chris ! Pina kiramdaman ko maigi ang sarili ko ... I really do like Imee. Iba sya sa lahat. She's innocent and pure. Mabait, maganda, sobrang mag mahal sa anak. She's perfect as I said to you the first time I saw her" sagot ko naman.
"You fell harder na ata ah" biro naman nito sa akin.
"Sabagay kahit naman ako crush ko si Imee. Ang cute talaga mag smile eh. Parang ang sarap nya alagaan" dagdag pa nito.
Binato ko naman ulit ito pero hindi na papel kung di ang lagayan ng ballpen.
"Aray ! Matigas ito Rod" reklamo naman nito.
"Umalis ka na nga ! Subukan mo lang pormahan si Imee. Ipu pull out ko share mo at papalitan kita agad agad dito sa company" banta ko naman dito.
Tumawa naman ito ng malakas.
"Protective ah ! Buntisin mo kaya ulit. Para mapa oo mo na agad, wala na syang choice nun kasi magiging dalwa na anak nyo" biro ulit nito.
"Buang !" Maikli ko naman na sagot.
Nawala naman ang asaran namin ng may kumatok sa pinto.
Bigla naman nag bukas ang pinto at ang acting secretary ko ang bumungad.
"Sir may nagha hanap po sa inyo" sabi naman nito.
"S-sino ?" Tanong ko naman.
"Amanda daw po, papasukin ko po ba ?" Tanong naman nito.
Nagka tinginan naman kami ni Chris at nawala ang tawa nito.
Tumango na lang naman ako at hindi pinaalis si Chris.
BINABASA MO ANG
MOTHER ... FOR HIRE !!!
FanfictionRodrigo a secret billionaire businessman only impregnated a woman in a bar and the child was just left in front of his home with a note that he's the father of the baby. The DNA result was 99.99% that she is really his daughter. After years passed b...