Chapter 21

949 31 8
                                    

Imee's Pov:

Nagising ako ng medyo okay naman na ang paa ko.

Wala naman na si Savi sa tabi ko kaya lumabas na ko kahit medyo iikay ikay pa.

Nang makita ako ni Rod ay inalalayan agad ako nito at pinaupo sa may lamesa.

"Goodmorning mommy" bati naman sa akin ni Savi habang kumakain ng pancake.

"Goodmorning baby, ang galing naman ng anak ko, kumakain mag isa" bati ko naman dito.

"Daddy said I'm a big girl na so I have to learn how to eat alone mommy, so you can eat well daw" sabi naman nito.

Ngumiti naman ako kay Rod na nakatingin at ngiti sa akin.

"Babe ..." Tawag naman nito.

Tinaasan ko naman ito ng kilay.

"Ang tawag ko na lang sayo ulit babe, kasi pag mahal ang tawag ko parang di ka natutuwa eh" sabi naman nito.

Well totoo naman yun dahil mas maganda yung una nyang tawag sa akin kesa sa tinatawag nya ako ng mahal.

"Babe madami tayong saging na saba, uwi natin manila yung iba ?" Tanong naman nito.

Tumango lang naman ako at hinahainan ako nito ng pagkain.

"Paa lang masakit sa akin hindi kamay" sabi ko naman dito.

"Okay lang, gusto mo subuan pa kita eh" biro naman nito sa akin.

Inirapan ko lang naman sya pero napangiti naman ako.

"First time mo yan babe" sabi naman nito.

"Na ano ?" Taka naman nito na tanong.

"Ngumiti ng ganyan ulit. Naka kamiss" sagot naman nito.

Hindi naman ako nakausap at tinuloy nito ang pag kain nya.

Kagabi lang inisip ko yung meaning ng sinabi nya na masaya sya na napapa saya ako ni Tommy.

Akala ko ay suko na ito agad. Pero eto sya, maya't maya ako tinatawag na babe at pinapa ngiti.

Pagkatapos namin kumain ay inalalayan naman ako nito papuntang terrace at hawak hawak ni Savi ang damit ko na naman.

"Anak hubadan mo na lang kaya ako ulit, wag naman kahawak kay mommy ng mahigpit" reklamo ko naman kay Savi pero tumawa ito.

"Mommy can we go to the fish pond ?" Tanong naman nito sa akin.

"Anak masakit pa paa ni mommy di pa nya kaya mag walk ng malayo" sagot naman ni Rod.

"Dalhin mo na dun sya, dito lang ako mag babasa" sagot ko naman.

Tumango naman si Rod at kinalong si Savi.

Nang makalayo ito ay tumawag ako kay Tommy.

"Yes doc ? Kamusta paa mo ?" Bungad naman nito.

"Okay lang medyo masakit parin pero kaya naman ilakad na" sagot ko naman.

"Baka naman ine enjoy mo para maya't maya ka alalayan ni Mr. Nonchalant" biro naman nito.

"Hindi ah ! Sabi nya sakin kahapon masaya daw sya na napapa saya mo ako" sabi ko naman dito.

"Naku !!!" Sigaw naman nito.

"Ay naku !!! Ano ???" Mali mali ko naman sagot dahil sa gulat.

Tumawa naman ito ng tumawa.

"Ano ba tommy !" Galit ko naman sabi.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon