Chapter 26

884 26 7
                                    

Imee's Pov:

Pauwi na kami ngayon ng manila. Pinadala ni Jake ang documents kay Vien at inutusan ko naman ito ipa check sa lawyer namin.

The documents are real.

Nakasaad doon that my dad owed 350 million from Jakes dad when the time that he was scammed by a foreign investor. Muntik ng masara ang hospital because of that and Jakes father helped him.

I thought nabayaran na nya yun dahil sinabi nya sa akin noon na unti unti ng buma bangon ang hospital.

Nang makapasok at maging CEO ako ay wala naman akong nakitang problema ng hospital at hindi naman sa akin sinabi na may ganun utang ang papa ko sa kanila.

Maybe that's the real reason why I got arranged by Jake. Dahil inipit na nila ang parents ko sa situation at hindi dahil mas malaki ang share nila kesa sa amin.

They really want to take over the hospital dahil ito ang number one hospital sa Pilipinas at dahil kilala din na magagaling na doctor ang meron kami dito.

Habang nasa byahe ay nag video call naman si Tommy sa akin.

Nilagay ko naman ito sa harapan dahil kalong ko si Savi at tulog sa byahe.

"Tulog ang batang makulit ?" Bungad naman nito.

"Yup ... Mas mabuti nga dahil nagta tantrums kapag matagal ang byahe" sagot ko naman.

Nagtawa lang naman ito.

Kita ko naman ang driver namin na seryoso ang mukha lang na nagda drive.

"Yung kay Jake, you told me hindi fake ang documents ?" Tanong naman nito.

"Yes ... Maybe yun din yung kasunduan nila sa arrange marriage namin ni Jake at dahil hindi ako pumayag they are trying to take over the hospital at kapag hindi ako kinasal kay Jake automatic they will try to replace me as the Ceo" sagot ko naman.

"So they deceived you from the first contract hindi mo talaga kailangan ng 500 million to save the company, pinalaki lang nila ang investment dito pero kanila ang kalahati ng hospital. Pinapa kasal ka din pilit para ipitin ka sa natitira mong share ?" Tanong naman nito.

"Yes ... Pero bait lang ang arrangement dahil hindi totoo ang pirma ko dun. Pero real ang kalahati. Iniipit lang nila ako na pakasalan si Jake kung gusto ko pang i save ang hospital dahil legally kanila ang kalahati at anytime pwede nila i take over ang pagiging Ceo ko" sagot ko naman.

"I'll buy the hospital" sagot naman ni Tommy.

"I can buy the hospital Tommy" singit naman na sabi ni Rod.

"You don't have to interfere with our talk Rodrigo. Pag uusap namin ito" sagot naman ni Tommy.

"Nanay lang sya ng anak mo" dagdag pa nito.

Nanlaki naman ang mata ko kay Tommy at tumingin ako kay Rod.

"Mali ka Tommy, I'll make sure hindi mapupunta si Imee sayo" sagot naman ni Rod.

"Let's see Rodrigo ... Kung sino ang pipiliin nya" sagot naman ni Tommy at tumingin sa akin ng natatawa sya pero sinamaan ko ito ng tingin.

Pinatay ko naman ang tawag nito at tumingin lang ako sa daan.

"Ang yabang talaga nung isa mong manliligaw na yun. Mukha naman mafia na kapre" inis naman na sabi ni Rod.

Gusto ko sanang matawa sa sinabi nya pero pinilit kong maging seryoso at hindi ito pinansin.

"Babe confident na confident yun, pinangakuan mo na ba yun ?" Alala naman nito na tanong.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon