Imee's Pov:
Nagising ako ng wala na si Rod sa higaan.
Hinanap ko ito sa likod at nakita kong may tubig na din ang mga balde at wala din sya doon.
Lumabas naman ako at nakita ko sa bakuran na nagpa paypay ito at parang hirap na hirap sa pag sindi ng apoy sa kahoy.
Tinapik ko naman ito sa likod at umupo sa tabi nya.
"Imee mauusukan ka" suway naman nito sa akin.
"Akin na ako na" sabi ko pa naman.
"Imee ..." Inis naman nya na sabi dahil pinapay payan ko na ito.
Tumawa lang naman ako sa kanya at hindi ito pinansin.
Pagka sindi namin ay nagsimula na itong magluto at pinauna na kong maligo.
Nang naihanda na nito ang pagkain ay pinapauna na ko nitong kumain dahil mag iigib pa sya at maliligo din muna.
Hindi naman ako kumain at inantay lang sya matapos.
Maya maya ay lumabas muna ako at nakita ang mga bata sa harapan ng tinu tuluyan namin na parang nahi hiyang nag aabang.
Nginitian ko naman sila.
"Magandang umaga ... Sino hanap nyo ?" Nakangiting tanong ko naman.
Hindi naman sila sumagot at parang nagtu tulakan pa.
Lumabas naman si Rod na tapos na maligo at biglang umirit ang mga bata na parang tuwang tuwa na nahihiya parin sabay tulakan.
Si Rod pala ang inaabangan ng 4 na bata.
Ngumiti naman si Rod sa mga ito at lumapit sa akin.
"Hello, kayo yung mga bata kahapon ?" Tanong naman ni Rod.
Nag sitanguhan naman sila na parang nahihiya parin.
Gustong gusto talaga nila si Rod at parang akala nila ay artista ito na dumayo sa kanila.
"Kumain na kayo ? Tara kain tayo" akit ko naman sa mga ito pero nagsi tanggihan sila.
"Mag asawa po daw kayo ? Tanong po nya" nahihiya na tanong naman nung isang bata at tinuro ung isa.
Natawa naman ako sa mga mukha nila na parang kinikilig.
Parang na gets naman ni Rod ang mga action ng mga bata ng itanong nila ito sa amin kaya inakbayan ako nito at inilapit sa kanya.
"Asawa ko si Doc" sagot naman nito sa mga bata.
Bigla naman nagta talon sila na parang innocente at nag apiran.
Natawa tuloy ako sa kanila at sinabi sa kanila na umuwi muna at sobrang aga pa. Baka din kasi di pa naga almusal at inuna lang na maki chismis sa amin.
...
Habang kumakain ay pansin ko naman na humihikab pa ito.
"Antok ka pa ? You can sleep tapos sunod ka na lang dun" sabi ko naman.
"Hindi, okay lang ako" sagot naman nya.
"Eh parang di ka maayos nakatulog, bakit ba ?" Tanong ko naman dahil nakatulog naman ako.
"Pinaypayan kita kasi kapag tinitigil ko parang di ka comfortable eh" sagot naman nito.
"A-ano !!?" Gulat ko naman na reaction.
Tumawa naman ito ng mahina.
"Oa mo doc" sagot naman nito.
"Anong oa ? Anong oras ka natulog ?" Tanong ko naman.
BINABASA MO ANG
MOTHER ... FOR HIRE !!!
FanfictionRodrigo a secret billionaire businessman only impregnated a woman in a bar and the child was just left in front of his home with a note that he's the father of the baby. The DNA result was 99.99% that she is really his daughter. After years passed b...