Chapter 19

1K 25 10
                                    

Imee's Pov:

"Here's the proof of my 500 million ... My share for this hospital" seryoso kong sabi kay Jake at pinakita ang papel na kanina ko lang nilagay sa account ng hospital.

"Now that the hospital is mine, and the CEO is still me, as me and other board members equally voted this morning. Goodbye to your daydreamin' to see me walking down the aisle" dagdag ko pang sabi at lumabas ng clinic nya.

I talked to my siblings about selling our franchises business and some properties pati na rin ang 2 of my siblings condo that my parents gave to us just to put a 500 million to the hospital.

Irene and Bong will help me find sponsors for our charities na lang daw so hindi namin ma give up ang mga tao na tinutulungan namin.

Some volunteers for us too.

Noong una ay ayaw pumayag ng mga kapatid ko at gusto na lang i give up ang hospital kesa ang mga businesses at properties and condo nila pero sinabi ko sa kanila na kung meron mang matitira na bigay ng parents namin ay ang hospital, not because this hospital built for me but because this is my life and other people's lives.

I spent all my life making this hospital the best on its own.

Irene is the one that sell everything dahil mas madami itong kilala na businessmen kesa sa akin.

Pinangako ko naman sa kanila na babawiin ko ang condo nila at unti unti na babangon.

Pauwi na ko ng makasalubong ko ang Daddy ni Jake.

"Congratulations Iha ..." Formal na bati nito sa akin at tumango lang ako at tipid na ngumiti.

Kahit naman alam ko na mayroon syang ginawa na hindi maganda sa magulang ko ay hindi ko parin itong magawang ipahiya.

Maglalakad na sana ako at lalampasan sya ng mag salita ulit ito.

"But still kung di mo pa nalalaman ... Me and your parents had a legal contract also in your marriage with my son" sabi naman nito na ikina tingin ko.

"Then go to my parents thomb Tito at sila ang kausapin mo. Kasi as far as I know sila lang ang naka pirma dun at peke ang pirma ko" sagot ko naman dito at lumakad na palabas.

...

Nagda drive na ako pauwi ng condo dahil si Nanay lang ang kasama ni Savi at baka mahirapan kaka habol doon.

2 linggo naman na kaming nasa condo lang at pinapasyal lang si Savi sa bahay nila kapag weekend pero sa kwarto ako ni Savi natutulog.

Pag uwi ko ng condo ay wala si Savi at si nanay lang ang nandito.

"Si Savi nay ?" Tanong ko naman.

"Ah kinuha ng daddy nya, bumili lang ng pagkain sa labas. Pabalik na din yun" sagot naman nito.

Tumango naman ako at pumasok na ng kwarto.

Maya maya ay naririnig ko na ang boses ni Savi kaya lumabas na ko.

"Mommy !!!" Sigaw nito at pinakita sa akin ang malaking cotton candy na hawak hawak nito.

"I told you, no sweets muna diba ?" Sabi ko naman dito.

"Mommy just little please ?" Sagot naman nito at cute na nagpa awa.

"Pero after we eat na. At sobrang little lang okay ?" Sagot ko naman at tumango ito.

Habang kumakain ay nakatingin lang naman si Rod sa akin.

"Mommy we walk lang papunta sa fastfood restaurant diba daddy ?" Sabi naman nito at tumingin sa daddy nya.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon