Chapter 32

188 21 25
                                    

Rod's Pov:

"Nag oo si Ate, Kuya" .....

"Nag oo si Ate, Kuya" .....

"Nag oo si Ate, Kuya" .....

Tanging salita na huling tumatak sa isip ko ng matawagan ko si Irene kagabi.

Nauna akong makauwi kay Imee dahil parang may pinuntahan pa sila at hindi pa nakauwi si Imee ng maaga.

Hindi ko na nakausap si Imee kagabi dahil dumiretcho ito ng kwarto ni Savi at doon natulog.

Pero ramdam ko na ni check pa ako nito bago sya lumabas ng kwarto.

Naka sandal ako sa headboard ng pumasok ito at tipid akong ningitian.

"May lagnat ka pa ba ? Medyo mainit ka pa kagabi pero di na kita nagising" sabi naman nito sa akin at lumapit ng upo.

Nakita ko naman yung singsing na suot sa kamay nya. Habang hinihipo nya ang noo at leeg ko.

Hinawakan ko naman ito sa kamay at inalis ito.

"Okay lang ako" maikli kong sagot.

"Wag ka parin lalapit sa anak natin ha ? Mahirap magka sakit yun eh" sagot naman nito.

Tumango lang naman ako dito at sinabi na mag aayos na ko at bumaba narin para mag umagahan.

Habang naliligo ay parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Mas mabigat kahapon at nung isang araw kong naramdaman ng malaman ko ang plano ni Tommy.

Ilang beses akong nag propose ... Ilang beses akong nagtanong ... Ilang beses kong pinag handaan ang mga surprises ko at ilang beses kong inuna sya kesa sa trabaho ko magkaron lang ako ng oras sa kanya pero kapag hindi pala talaga ikaw, hindi magiging ikaw.

Pagkatapos kong mag bihis ay wala na ito sa kwarto.

Pagka baba ko ay parehas na sila ni Savi nakaupo at pinapa kain na nito ito.

"Daddy I'm going to Tita Irene today. She will teach me colors" sabi naman ni Savi.

"That's good anak, para next school year papasok ka na" sagot ko naman.

Tumango naman ito at nanliit ang mata sa ngiti.

Tumingin naman ako kay Imee na may parehas na ngiti kay Savi.

Masaya ang mga mata nya.

Masaya sya ...

Napa tingin naman ito sa akin at tipid ko na lang itong nginitian.

"Wala pala akong kasama mag church" sabi naman ni Imee.

"S-si Tommy ? Hindi ba sya available today ?" Tanong ko naman.

"Umuwi ng Cebu kagabi din nung nag hiwalay kami after nya mag---" putol nito na sabi dahil sumingit na ako ng salita at ayoko marinig ang kwento nya.

"Ahhh ganun ba, samahan na lang kita" sagot ko naman agad.

"Eh kayo naman talaga ni Savi ang kasama ko eh, kukunin lang itong anak mo ng tita nya" sagot naman nito.

Natawa na lang ako ng mahina.

Hindi ko alam kung humahanap sya ng tyempo sa akin para sabihin na may pinili na sya o expect nya na alam ko na dahil sure sya na ikwe kwento ni Irene na una.

"Mommy your ring it's so pretty" sabi naman ni Savi habang tinitignan ito.

"What's that mommy ?" Tanong ulit nito at turo sa singsing.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon