Chapter 17

905 21 6
                                    

Rod's Pov:

Kinabukasan ay bumaba ako at humihikbi si Savi at parang kakagaling lang sa iyak.

"Sir pinipilit namin kumain pero ayaw, tinawagan din po namin si Mam pero di po nasagot" sabi naman ni Laura.

Umupo naman ako sa harapan ni Savi.

"Anak kain na, mamaya uuwi na si mommy" sagot ko naman.

"Yaya call Tita Irene, she can push mommy to go home na" iyak naman nito na sabi.

Tumingin at tumango naman ako kay Laura para tawagan si Irene.

Tinawagan naman nito si Irene sa video call para kausapin si Savi.

"Oh why are you crying ?" Bungad naman ni Irene.

"Mommy kasi Tita, she's not yet going home" sagot naman ni Savi.

"Why she's not going home yet ?" Tanong naman nito.

Mukhang walang alam si Irene at hindi ito tinawagan o kinausap ni Imee.

"Daddy said she's with Ate Cynthia but she's not going home yet" iyak nito na sagot.

"I'll call mommy okay ? I'll tell her to go home na" sagot naman ni Irene at tumango naman si Savi na nagpa pahid ng luha.

Pagka baba ng tawag ay sakto naman dating ni Imee at parang bumili lang ito ng damit sa department store sa suot nya.

Nang makita ito ni Savi ay agad itong bumaba sa upuan at tumakbo sa mommy nya.

"Mommy !!!!!" Sigaw nito at yumakap ito pakarga.

"Why are you crying ?" Tanong ni Imee sa kanya.

"I thought you left me, daddy said you are with ate Cynthia because she's not feeling well pero so tagal mo umuwi" sagot naman ni Savi at naiiyak na naman.

"Iiwan ko ba ang baby ko ? Mamaya pupunta tayo kay Ate Cynthia sa condo. Dun tayo matutulog, samahan mo muna ko mag change, may pasok si Mommy, mala late na ko" rinig ko naman na sabi nito at dumiretcho pataas at hindi man lang sa akin tumingin.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nakabihis at nakaayos na ito pati si Savi.

Tumakbo si Savi sa akin.

"Daddy, mommy said we are going to stay with Tita Cynthia" masaya naman nito na sabi.

Tumingin ako kay Imee na nag aayos ng sarili.

"Okay baby, stay muna with mommy doon ha. Busy kasi si daddy eh" sagot ko na lang naman.

"Okay daddy, are you going to drive for us now ?" Tanong naman nito.

Sasagot naman ako ng humarap si Imee at hinawakan sa kamay si Savi.

"Let's go anak, mommy can drive" seryoso naman na sabi nito.

"Bye daddy" paalam naman ni Savi at humalik sa pisngi ko.

Tumayo naman ako mula sa pagkaka yuko kay Savi at tumingin kay Imee at tipid na ngumiti.

Hindi naman ito ngumiti at inakit na si Savi na lumabas ng pinto.

Imee's Pov:

Masama ang loob ko ngayon kay Rod.

Totoo man o hindi ang resulta ay nagagalit ako dito dahil bukod sa hindi nya sa akin sinabi ang proseso ay para naman ako nitong pinagla laruan lang.

Kung nalaman nya na anak ko si Savi kahit impossible dahil patay na ang anak ko ay hindi naman talaga possible na magka gusto ito sa akin.

I know na gagawin nya lang yun for Savi para mag stay parin ako sa kanila.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon