Rod's Pov:
May team building ngayon weekend ang company ko kaya naisipan ko na isama na din ang anak ko at si Imee.
Tulog pa si Savi pero binibihisan na ito ni Imee dahil kailangan namin umalis ng maaga at sa beach resort ko ito ginawa, 3 oras ang layo.
"Ako na magbu buhat kay Savi, mag ayos ka na. Nasa labas na gamit natin" sabi ko naman kay Imee.
Tumango naman ito at pumunta na ng walkin closet.
4am palang naman at kailangan namin makaalis dito ng maaga.
Kasama din ang parents namin pero nandun na kahapon pa sila.
Pag sakay ng sasakyan ay tulog parin naman si Savi at nakayakap ito kay Imee.
Habang nagda drive ay tinitignan ko naman ito na tinitignan tignan lang din si Savi habang sinusuklay ng kamay nya marahan ang buhok ni Savi at may konting ngiti sa labi.
Hindi ko mapigilan naman mapa isip.
Kung alam ko lang na sya ang nanay ng anak ko talaga, sana pala bago palang lumalaki si Savi ay hinanap ko na ito.
Hindi ko mapigilan na tignan silang dalwa na parang mahal na mahal nya ang anak ko at tinuturing ito na kanya.
Lalo akong nakaka ramdam ng higit pa sa naramdaman ko kay Amanda noon.
Akala ko ay si Amanda na ang mamahalin ko ng una at huli kahit pa pinag palit ako nito sa iba pero eto ako humahanga ng mas higit pa sa babaeng kasama ko ngayon.
"Gutom ka na ba ? Mag drive thru muna tayo" sabi ko naman dito at tumingin lang sa akin ito at tumango.
Habang nasa drive thru at inaabot ang pagkain na inorder ko ay nasilip naman si Imee ng crew at parang namukhaan.
"Si Doc Imee" sabi naman nito sa isa nya na kasama.
"Hi Doc, napapanuod po namin minsan ang interview nyo saka po yung billboard nyo po na bago" sabi naman nito at nagsi kawayan sila.
Ngumiti naman si Imee sa kanila at nagpa salamat.
Pag alis namin ay biniro ko naman ito.
"Naks artista pala ang kasama ko ngayon" biro ko naman dito.
Umirap naman ito sa akin pero ngumiti.
"Doc ... Pa billboard din kita sa company, kunin kita na model ng wine" biro ko ulit.
"Tigilan mo ko ha ang aga aga" sagot naman nito.
Tumawa naman ako pero binato ako ng tissue.
Maya maya ay nagising na si Savi at luminga linga ito.
"Where are we going ?" Tanong naman nya.
"Sa beach, baby" sagot ko naman.
Yumakap lang naman ito sa mommy nya at pumikit ulit.
"Sleepy parin ?" Tanong naman ni Imee.
Tumango lang naman ito.
"You want pancake anak ?" Tanong naman nya ulit.
Tumango naman ulit ito pero nakapikit parin. Na ikina tawa ni Imee.
Maya maya ay umupo na ito ng ayos at nakaharap ito sa mommy nya.
"Mommy I want to swim and also I want to play sand castle" sabi naman nito.
"Saka mommy I want to collect sea shells also" dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
MOTHER ... FOR HIRE !!!
FanfictionRodrigo a secret billionaire businessman only impregnated a woman in a bar and the child was just left in front of his home with a note that he's the father of the baby. The DNA result was 99.99% that she is really his daughter. After years passed b...