Rod's Pov:
Nakalipas ang ilang buwan ...
Today is the same month and date when me and Imee met for the first time in the bar.
And today is our wedding day ...
"Ready ?" Tanong sa akin ni Amanda habang inaayos ang necktie ko sa simbahan.
Tumango naman ako dito at ngumiti.
"Thank you ..." Mahina ko naman na sabi dito.
Amanda talked to Imee in private nung araw na umuwi kami galing Disneyland.
Hindi ko naman alam na nakausap ito ni Imee.
Humingi daw ng tawad si Amanda sa nagawa nya dito. Masyado lang sya nadala sa emosyon nya dahil akala nya ay hindi pa huli ang lahat.
But when she saw our post that we are engaged, she realized na huli na sya at kailangan na nya kong palayain katulad ng pagpa palaya ko sa kanya noon.
Sa liit ng mundo para sa amin ay si Amanda pala ang batang na rescue ng parents nya sa isang medical mission kasama ng ka kambal nya at pina ampon sa mag asawa na naging karibal namin sa business before mapasa sakin ang company.
They even became sisters before din bago pa mapa hiwalay sila sa isa't isa at may picture sila together noon mga bata pa sila.
Nagulat din kami ng makita ko na may picture din ang batang ako at ang 3 years old na si Imee sa isang birthday party noon ni Amanda at Amara.
Parehas kaming nasa tig kabilang dulo sa picture.
Bata pa lang pala kami ay pinag tagpo na talaga ng tadhana.
"Take care of Imee ha ? Isusumbong kita sa mommy ko kapag pinaiyak mo yun" sabi naman ni Amanda.
Ang mommy nya kasi ang matalik na kaibigan din ng mommy ni Tommy at Imee.
Tumango lang naman ako sa kanya at ngumiti.
"So you are going back abroad after this ?" Tanong ko naman dito.
"Yes ... Gusto kasi ni Imee mag attend ako. Parang gusto lang naman nya mang asar na sya ang maga I do sayo" biro naman nito sa akin.
Natawa lang naman ako sa kanya ulit.
"What time ba flight mo ?" Tanong ko naman dito.
"After your wedding, diretcho na ko sa airport" sagot naman nito.
"Take care ha ? Saka mag asawa ka na din, ang tanda mo na" biro ko naman dito.
"Grabe ka sakin Rod, same age lang tayo noh" asar naman nito na sagot.
Maya maya ay pinag ready na kaming lahat dahil paparating na daw ang bride.
Nang maka ayos na ay sinimulan naman na ang wedding at isa isa nang nagla lakad ang mga abay.
Maya maya ay bumukas na ulit ang pinto ng simbahan at nakita ko si Imee na nakangiting nakatitig sa akin.
Nag start na ang wedding song at unti unti na itong lumakad papasok.
Para naman akong maluluha dahil sa wakas ay ikakasal ako sa babaeng nagbago ng buhay ko at ng anak ko.
Nang nasa gitna na ito ay hinawakan na nito si Savi at parehas silang naglakad papunta sa akin.
Nang makalapit na sila ay pumantay ito kay Savi at niyakap nya ito at hinalikan sa may pisngi.
Niyakap naman nito pagkatapos ang mama at papa ko at tumingin sa akin.
Inilahad ko ang kamay ko para alalayan itong humarap sa altar.
BINABASA MO ANG
MOTHER ... FOR HIRE !!!
FanfictionRodrigo a secret billionaire businessman only impregnated a woman in a bar and the child was just left in front of his home with a note that he's the father of the baby. The DNA result was 99.99% that she is really his daughter. After years passed b...