Chapter 33

794 30 46
                                    

Imee's Pov:

Dumaan ang ilang araw at palaging nasa trabaho si Rod.

Mula ng magka kilala kami ay hindi ko pa ito nakita na manatili ng matagal sa trabaho nya at halos doon na matulog.

Minsan ay hinahanap na ito ni Savi at kapag pinupuntahan namin ay mas madalas pa ang meeting kesa ang makipag usap.

Napansin ko din na hindi ako nito masyado kinakausap pero hindi din naman natanggi kapag inaakit ko na lumabas o manuod o kaya ay makipag kwentuhan.

Hindi ko alam kung anong nangyari ... After pag uusap namin sa entertainment room about sa ginawa ni Tommy at sinabi ko na wala na syang kalaban ay nag bago ito.

Tinanong ko ang mama at papa kung may problema ba si Rod sa trabaho pero wala naman daw. Kahit si Chris ay tinanong ko na din pero okay naman daw ang mga business ni Rod.

Busy naman ako sa charity at simula nung proposal ni Tommy sa akin ay hindi ko na rin nakausap na ulit si Irene.

Papunta naman ako sa office ni Rod at pansin ko na wala parin si Cynthia dito.

Nung pumunta kami din dito ni Savi ay lagi din itong wala. Baka rest na nya sa trabaho at malapit na itong manganak.

Kumatok naman ako at rinig ko naman na pwede akong pumasok.

"Bored ako sa bahay ... Si Savi na kay Irene daw ulit. Hindi na kami nakakapag usap ng kapatid ko tapos kinukuha pa nya ng walang paalam ang anak ko" sabi at reklamo ko dito at tuloy tuloy akong umupo sa tapat ng table nya.

"Mas mabo bored ka dito" sagot naman nito.

Ngumuso naman ako dito dahil hindi ko alam pero parang hindi ako nito pinapansin lately.

"Wala na nga kong kasama sa bahay eh, tamad din akong pumunta sa condo at mas malayo iyon dito" sabi ko din naman dito.

Hindi naman ito nagsalita.

"Bakit napaka nonchalant mo na naman sa akin ?" Tanong ko naman.

Tumingin sya sa akin ng may seryosong mukha.

"May problema ba tayo ? Okay naman tayo diba ? Anong ginawa ko ?" Sunod sunod ko naman na tanong dito.

"Wala nga ..." Sagot naman nito.

"May problema ka sa akin. Hindi ka naman ganyan eh" pilit ko naman dito.

"Imee nagba bago ang tao" sagot naman nito.

"See ? Imee, Imee na lang ..." Pagta tampo ko naman na sabi dito.

Tumingin naman sa akin ulit ito ng may pagtataka na at parang tanong sa mukha.

"Ano ? Kung ayaw mo ako dito. Di wag ! Di na lang sabihin ng diretcho" inis ko naman na sagot at tumayo na.

"Bakit parang ikaw pa ang galit ?" Tanong naman nito at napa tayo din.

Tumingin naman ako sa kanya.

"Ano bang kasalanan ko ? Akala mo hindi masakit na ilang araw mo kong dine dedma ? Na para akong nanunuyo sayo ?" Mangiyak ngiyak ko naman na sabi.

"Tinatanong kita, hindi mo ko sinasagot. Kahit nga si mama at papa at kaibigan mo tinanong ko kung may problema ka wala naman daw. Kahit sa business mo wala din. So sinong problema ? Bakit parang sa akin mo pinapasa yang init ng ulo mo ?" Dagdag ko pa dito habang pigil ang luha.

"Ayoko nang mapa lapit sayo ... Mas masakit sa akin Imee !" Sagot naman nito sa akin.

"Suko ka na ? Eh di sana sinabi mo sa akin una pa lang na suko ka na ! Na pagod ka na ! Hindi yung ganito" sabi ko naman dito.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon