Chapter 13

941 25 14
                                    

Rod's Pov:

Naka baba na kami ng bundok at naging successful naman ang medical mission nila Imee.

"Rod pwede bang mamaya na lang tayo umuwi ? Daan muna tayo sa nag alaga sa akin, sa nanay ni Cynthia" sabi naman ni Imee.

Tumango naman ako dahil sarili naman namin ang chopper na gagamitin pabalik ng hospital.

Nagbo book naman na kami ng sasakyan ng lumapit si Tommy.

"Papunta na sila sa chopper, hindi ba kayo sasabay ?" Tanong naman ni Tommy.

"We are going kasi kay nanay Felia, bibisitahin ko" sagot naman ni Imee.

"Sabay na kayo sa akin ? May sasakyan naman ako" alok naman ni Tommy.

"No thank you ... Naka book na ko eh, sayang kung i cancel" sagot ko naman.

"Imee ?" Tanong naman ni Tommy at hindi ini consider ang sagot ko.

Tumingin naman sa akin si Imee saka tumingin kay Tommy.

"Wait na lang namin yung na book nya Tommy, thank you" sagot naman ni Imee.

Tumango lang naman si Tommy at nag paalam na.

Maya maya ay si Jake naman ang lumapit.

Ano ba 'tong mga to' at lagi nagpapa pansin.

"Imee wala pa kayong chopper ? Halika na sumabay ka na sa amin may isa pang available sit" sabi naman ni Jake.

"No thank you Jake, hindi pa kami uuwi eh, may pupuntahan pa kami" sagot naman ni Imee dito.

"Kailangan mo mag report sa hospital agad, bakit di ka pa sasabay ?" Sabi naman nya.

"I'm still the acting Ceo of the hospital at alam ko ang ginagawa ko Jake, sinabi ko na kay Vien to pass my report" sagot naman ni Imee.

"Bahala ka ..." Sagot naman ni Jake at umalis na.

Kita ko naman ang irap ni Imee ng maka talikod si Jake sa kanya.

Pagdating ng kotse ay sumakay na kami at sandali lang naman kami nakarating sa bahay nila Cynthia.

"Nay ..." Tawag naman ni Imee ng makita nya na nagwa walis sa bakuran ang nanay ni Cynthia.

"Imee ? Anak ?" Gulat naman na tawag nito.

Niyakap nya ito at pinapasok kami agad sa loob ng bahay.

Kita ko naman ang gulat nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit iba ang gulat nya.

Dahil ba kasama ako ni Imee o dahil siguro kilala nya ko na boss ni Cynthia.

Nang umupo kami ay nag handa ito ng meryenda.

"Nay si Rod po, Rod si Nanay Felia. Sya yung nagpalaki sa akin" pakilala ko naman dito.

"Ah ... Hello Rod" bati naman nito sa akin.

"Hello po" pabalik na bati ko naman.

"Sya ang boss ni Cynthia nay" masaya naman na sabi ni Imee.

"Ah talaga ? Ikaw pala" sagot naman nito.

Ngumiti lang naman ako sa kanya at ganun din sya sa akin.

Pagkatapos nila mag usap ay paalis naman na kami ng mag salita pa si Imee.

"Nay dadalawin ko po ang anak ko" sabi naman ni Imee na ikinagulat ko.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon