Chapter 3

1.3K 25 9
                                    

Imee's Pov:

It's Sunday today at kagabi ay tinanong ako ni Rod kung seryoso ako na makikipag bonding kay Savi ngayon. Tumango lang naman ako sa kanya dahil nasabi ko na din kasi sa bata kahapon dahil nag aantay talaga sya sa akin.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na nagli linis na si Cynthia ng bahay.

"Imee andun na ang breakfast mo, maaga ako naglinis kasi makikipag date ako mamaya" sabi naman nito sa akin habang nagva vacuum ng sahig.

"Makikipag date ka na naman, kelan mo ba yun sasagutin ?" Sagot ko naman sa kanya.

Nagtawa naman ito at tumigil ng pagli linis.

"Pag sinagot ko yun tapos ikasal kami, sino kasama mo ? Wala naman, ayoko na mag isa ka dito. Hindi kita pede dalhin sa magiging bahay namin nun" sagot naman nito at nagpatuloy ulit sa pagli linis.

Natawa naman ako dahil ang advance advance mag isip, ang sinabi ko lang naman sagutin na at matagal na nangliligaw tapos kasal na agad ang nasa isip.

Habang kumakain ay umupo naman ito sa harapan ko.

"Ghirl may narealize ako" sabi naman nito sa akin.

"Ano ?" Tanong ko naman dito.

"Hindi ba't tinanggap mo ang offer ni Sir Rod ? So dun ka titira ? Masagot na nga si Manny mamaya" kinikilig naman na sabi nito.

"Hoy ! Parang ako pa dahilan ng wala kang love life ah ! Saka ngayon ko lang naisip na dun pala ako titira dahil nasa usapan yun" sagot ko naman dito.

"Hoy Imeera Josefa magpanggap lang ha ? Baka naman totohanin" biro naman nito sa akin.

"Sira ka ba ? Ang supla suplado ng boss mo saka alam mo ba na nabibilang lang sa kamay ko kung ilang beses lang yun umusap ?" Natatawa ko naman kwento.

Tumawa naman ito at nag agree sa sinabi ko.

"Mafia kasi, lowkey billionaire yun. Hindi nga alam in public na sya ang may ari ng Monte corp. Hindi kasi ito pinakilala in public" chismis naman ni Cynthia.

"B-billionaire yun ?" Gulat ko naman na tanong.

"Hindi mo ba alam ? Like ghirl kilala mo na sya ang ceo of course automatic na sa laki ng company nya mayaman iyon" gulat na reaction naman ni Cynthia dahil hindi ko man lang narealize na ganun kayaman si Rod.

Ang simple naman na tao nun, ni walang tatak na mahal ang suot at ganun din ang anak nya. Malay ko ba na ganun pala kayaman ito. Akala ko millionaire lang.

Nang matapos ako kumain at mag hugas ay tapos na din si Cynthia na mag ayos ng sarili nya at nasa baba na daw ang official bf nya mamaya.

Natawa naman ako dahil parang 18 lang na akala mo'y nagtatago sa magulang ng relasyon nung nagpaalam sa akin bago umalis.

...

Pagkatapos kong mag ayos ay may nag doorbell naman at parang nahulaan ko na kung sino iyon.

"Hi Imee" masayang bati naman ni Rod sa akin at hawak hawak si Savi.

"Hi mommy" segundang sabi naman ni Savi na nakatingala naman sa akin.

Yumuko naman ako at nginitian ito.

"No fever na ?" Tanong ko naman dito.

Umiling naman ito at yumakap sa akin kaya niyakap ko na din.

Ang sweet ng bata, paano mo ba ito tatanggihan ? Naawa din ako sa kwento ni Cynthia tungkol kung paano talaga nangungulila ang bata sa ina.

Hindi ko naman alam kasi kung paano maging mommy, dahil hindi pa naman ako nakaranas na mag alaga ng anak. Baka katulad lang din naman ito ng pagiging Ate, isipin ko na lang si Irene itong bata.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon