Chapter 1

1.7K 29 6
                                    

Imee's Pov:

Kakagising ko pa lang ng naka receive ako ng message kay Cynthia na naiwan daw nya ang lunchbox nya dito sa condo at pina pakisuyo na dalhin ko ito sa company nila.

Sinabi ko naman na magro rounds muna ako sa hospital bago ko ito dalhin sa kanya.

I'm a pediatrician doctor at the age of 30 ay ako ang pinaka bata sa hospital namin. My dad and my mom are both surgeon and they built the hospital for me daw. Sakitin kasi ako noong bata pa and they also want me to be a doctor like them. Sadly they died in an accident noong nagpunta sila sa isang medical mission. Nagkaroon ng tension sa mga npa at sa mga tao na tinutulungan nila ng mga panahon na iyon sa bundok.

Pagkapasok ko sa hospital ay late lang naman ako ng 15 mins. Hindi kasi ako nakasabay kay Cynthia, coding nga pala ang kotse ko.

Cynthia is my bestfriend, saba'y kaming lumaki, anak kasi sya ng nag alaga sa akin simula nung bata pa kaya hanggang ngayon na may sarili akong condo ay kasa kasama ko pa rin ito.

Pagkatapos kong mag rounds ay babalik na sana ako ng office ko at hindi muna dumiretcho sa may clinic ko sa baba ng biglang may tumatawag sa hallway. Wala naman tao sa harapan ko kaya lumingon ako sa likod.

"Mommy !!! Mommy !!" Sigaw ng bata.

Paglingon ko ay ako lang naman ang nasa hallway dito sa third floor ng hospital at ang batang tumatawag ng mommy.

Nakita ko na patakbo ito sa akin ...

Nabigla ako ng yakapin ako nito sa hita at may dala itong piggy teddy bear.

"Mommy ???" Tawag na patanong naman sa akin nito at tumingala sa akin.

Eto yung bata noong isang araw sa mall ...

Nagtaas naman ang dalwang kamay nya na parang nagpa pakalong kaya kinalong ko naman ito.

Maybe she's around 3-4 yrs old lang.

"Are you the girl that I saw sa mall ?" Tanong ko naman dito.

Masaya naman itong tumango.

Ramdam ko na mainit ito at parang may lagnat.

"Are you here para magpa check up ?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Yes po, my daddy is in office. I'm with yaya po tapos I saw you na nagpasok sa elevator so I run kaso nagsara na then I waited po then I saw number 3 from the side, so I tap number 3 and then I saw you" bibo naman nitong explanation sa akin.

Natawa naman ako dito dahil sobrang giliw nito makipag usap.

"Naku I have to return you na sa yaya mo, where is your yaya ? Hanap ka nun" sagot ko naman dito.

"Clinic po of my new doctor, just down floor po" sagot ulit nito.

Ibinaba ko naman ito at hinawakan sa kamay at naglakad papunta sa elevator. Pagbukas ng elevator ay nakita naman nito ang yaya nya.

"Savi san ka ba nagpunta, ang daddy mo papunta na dito, naku kang bata ka papagalitan pa ako sayo" natataranta naman nitong sabi sa bata at hindi na ako napansin.

"Yaya si mommy oh" ngiti naman na pagpapakilala sa akin ng bata.

Jusko pumasok ako dito sa hospital na single at ready to mingle tapos instant nagka anak ako bigla ?

"Ay doctora sorry po ah, buti na lang po kayo nakakita. Sorry po talaga, nalingat lang ako tapos di ko na nakita sa tabi ko" paliwanag naman nito.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon