Chapter 16

942 22 7
                                    

Rod's Pov:

"Anong ginagawa mo dito iho ?" Tanong sa akin ni Manang Felia.

Nagpunta ako dito agad pagkatapos ng team building namin dahil gusto ko malaman ang totoo kung bakit pinalabas na patay ang anak ni Imee.

"Manang alam ko na po ang totoo" sagot ko naman dito na diretcho.

"Anong totoo ?" Sagot naman nito sa akin at pinapasok ako sa loob.

"Manang ang anak ko ..." Sagot ko dito.

Yumuko ito at umupo sa harapan ko.

"Paano mo nalaman ?" Tanong naman nito sabay tingin sa akin.

"Through my friend lang ho, nakausap nya sa mismong bar si Cynthia at napag tugma nito ang kwento" sagot ko naman.

Inabot ko naman ang DNA result sa kanya kaya binuklat nya ito.

"Alam na ba nya ?" Tanong nito sa akin.

Umiling naman ako.

Huminga ito ng malalim.

"Magagalit sa akin si Imee ..." Naiiyak nito na sabi.

"Bakit nyo ho nilayo ang anak ko sa nanay nya ?" Tanong ko naman.

"Iho ... Wala akong magawa noong araw na iyon" sagot nito sa akin.

"Ang magulang nya malaki ang reputation. Sikat ang hospital nila at pati narin ang pamilya nito na galing sa magagaling na doctor" bungad na kwento naman nito.

"Hindi ako pumayag na ilayo ang bata kay Imee dahil kita ko kung gaano ka mahal ni Imee at excited sya ng lumalaki na ang bata sa sinapupunan nya" dagdag pa nito.

"P-pero hindi ito nagustuhan ng magulang nya. Nagre review na si Imee noon mabuntis, masyado syang ipinag malaki ng magulang nya at dahil sa nalaman ay ibinigay sa akin si Imee para itago dito, kahit kasi kaya syang manipulahin ng magulang nya ay nag matigas ito na hindi ipalaglag ang bata" tuloy tuloy naman nito na kwento at nakikinig lang ako.

"Ang sabi sa akin ang plano ay dito na lang palakihin ang bata pero nabago ito, dahil pina arrange si Imee sa pamilya ng matalik na kaibigan ng papa nya. Hindi papayag si Imee kung alam nya na may anak sya at ikasal sya sa iba" tuloy ulit nya.

"Wala pang 2 buwan pinagbu buntis pa lang ni Imee ang anak nyo ay naka arrange na ito at hindi ito alam ni Imee nalaman na lang nya ng pauwiin na ito sa manila at wala syang nagawa. Hindi din nya alam na pirmado ng magulang nya ang contrata ng arrangement nila ni Jake, pero peke ang pirma ni Imee doon dahil kahit ang contrata ay hindi nya alam" nakita kong naluluha na naman sya.

"Naawa ako kay Imee pero wala akong magawa. Pinakuha ng magulang nya sa kapatid nya na si Bong ang cctv copy sa bar kung san kayo nagkita wala pang isang buwan na nalaman namin na buntis ito. Dun ka nakilala. Alam ng kapatid ni Imee at maging si Cynthia ang lahat pati ang peke na pagkamatay ng anak nito, pero hindi ka din nila kilala. Ako lang at ang magulang nya" tumabi na ako dito at hinawakan ang likod.

"Iho ... Pinigilan ko ang magulang nya na wag iwanan sayo si Savanna at papalakihin ko kahit hindi malaman ni Imee. Pero ang parents nya kahit daw hindi malaman ni Imee at itago ito ay posibilidad parin na mag kita ang dalwa kung sa akin lalaki ang bata at ayaw nila na malaman ni Imee na buhay ang anak nya dahil pang gulo ito sa pangarap nila para kay Imee" Kwento pa nito

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon