Chapter 25

927 25 6
                                    

Imee's Pov:

Nagising ako ng wala na si Savi sa tabi ko.

Nang lumabas ako ay may nag iingay naman sa balcony ng bungalow na tinitirhan namin dito.

Sakto naman na nakita ko ang mistisa na babae na biglang pumanik at niyakap si Rod ng mahigpit at nagta talon pa sa tuwa.

Ang Rodrigo naman ay yumakap pabalik.

"Kamusta ka na ? Nung nalaman kong umuwi ka dito after 2 years sakto naman na kakauwi ko lang. Kaya nagpunta ako dito" rinig ko naman sabi ng babae.

"Okay lang ako Beth ... Ikaw kamusta ka na ? Atty na atty ang datingan natin ah" rinig ko naman na biro ni Rod.

Bigla naman may kumapit sa kamay ko na maliit na kamay at nang tignan ko ay nakatingin na ito sa akin.

"Who are you making silip jan mommy ?" Tanong naman nito sa akin.

"Sshhh .... Baby" sabi ko naman dito.

Nagpa kalong naman ito at tinignan kung sino ang nasa labas.

"Who's that mommy ?" Tanong naman nito.

"Di ko din alam" sagot ko naman.

"Where's your baby girl ? 2 lang sya nung nakita ko na dinala mo dito" rinig ko naman na sabi nung babae.

"Ah nasa loob" sagot naman ni Rod.

Lumabas naman kami at parang nawala ang ngiti ng babae ng makita nya ako.

"May kapatid kang babae Rody ?" Tanong naman nito.

Natawa naman si Rod sa kanya.

"Ahh hindi ... Beth si Imee --- Imee si Beth ... And this is Savi na" pakilala naman nito sa amin.

Ngumiti naman ito sa amin ni Savi at nakipag shakehands.

"Ang ganda naman ng kinuha mo tagapag alaga ng anak mo, may qualifications talaga ah. Unica ija mo kasi eh" sabi pa nito.

Napataas naman ang kilay ko kay Rod at umirap ako dito ng palihim.

"Ahhh Beth ... Si Imee, she's Savi's mother and my future wife" sabi naman ni Rod at akbay sa akin habang kalong ko si Savi.

Nagulat naman ito at kita ko ang peke na tawa nya at humingi ng paumanhin sa akin.

"Ah sorry, I'm Atty. Beth" sabi naman nito sa akin.

"I'm Doctora Imee" pakilala ko din naman.

"Like sino ka ? Kala mo ikaw lang ang entitled dito ?" Sa isip isip ko.

...

Dito naman inakit ni Rod si Beth mag tanghalian.

Nang mag tanghalian na ay sa kubo naman kami sa kabila kumain at katapat namin ito at kalapit nya si manang Biday.

Sya lang naman ng sya ang nagsa salita at si Rod naman ang taga pakinig. Kahit si manang ay napapa tingin na sa akin at parang naiirita na.

"Kala ko Rod mahilig ka sa mga may lahi ? Yung mga mistisa ? Kasi diba si Amanda ganun ?" Sabi naman nito.

"Ha ? Hindi noh !" Bawi naman sabi ni Rodrigo.

"Akala ko lang naman, hindi pa kayo kasal ?" Tanong naman nito.

"I'm still courting" sagot naman ni Rod.

"Imee kung ako sayo sasagutin ko na. Ang dami may crush jan lalo na nung elementary at high school kami" sabi naman nito sa akin.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon