Chapter 4

251 12 4
                                    

Imee's Pov:

Nagising ako ng may nagta talon at tumatawag ng mommy habang natutulog ako ...

Hindi ko naman minumulat ang mata ko dahil antok pa ko ng marealize ko na wala nga pala ako sa condo namin.

Nagmulat ako ng mata at nakangiti ng nakatingin sa akin si Savi.

"Goodmorning mommy !!! I'm so happy you're here !!!" Sigaw naman nito na parang sayang saya.

Hinila naman ako nito para bumangon.

"Come on mommy, get up na po" akit naman nito sa akin.

Jusko ganito ba ang may anak ? Kailangan ba talaga pag gising na sya kailangan gising na din ako ? Sa isip isip ko naman.

Dahil wala na naman talaga akong choice ay bumangon na ako at nagulat akong nakatingin din pala sa amin si Rod.

"Daddy she's awake na, let's go have breakfast na" sabi naman ni Savi at tumakbo papalabas.

"Goodmorning doc, kaya ba ?" Nang aasar na biro naman nito sa akin.

Nag thumbs up lang naman ako at dumiretcho sa bathroom para mag ayos.

Habang naliligo na ay naalala ko na may pasok pala ako sa hospital kaya dali dali akong nag ayos at bumaba.

Pagkababa ko ay nakaupo na sila at ako na lang ang inaantay.

"Goodmorning Imee, kain na kayo" sabi naman ni manang.

"Kayo ho ?" Tanong ko naman.

"Kumain na kami kanina, inantay ka lang talaga ng makulit na bata na yan kaya di sumabay sa amin" paliwanag naman ni manang.

Tumango na lang ako at ngumiti saka umupo sa tabi ni Savi.

"Daddy let's go sa park naman" akit naman ni Savi sa daddy nya.

"I have office na anak, and I think your mommy also meron din" sagot naman ni Rod.

Tumingin naman sa akin ang bata at parang nalungkot.

"Office lang naman ako eh, you can go with me basta hindi malikot" sabi ko naman dito na ikinangiti naman nya.

"Grabe naman, dati sa akin ka sumasama ngayon sa iba na" biro naman ng daddy nya.

"Dad I want to stay with mommy eh next time me and mommy will stay in your office, diba po mommy ?" Tanong naman sa akin nito.

Tumango lang naman ako at ngumiti.

Pagkatapos namin kumain ay inihatid lang naman kami ni Rod sa hospital at sinabi na susunduin na lang kami after office hour kaya tumango lang naman ako.

Habang nagla lakad ay bumabati naman sa amin ang employees at magiliw naman bumati si Savi sa kanila.

"Doc ang cute naman ng anak mo, di namin alam na may anak ka na" sabi naman ng isang doctor.

"Ah y-yes you know I'm a private person doc" biro ko naman dito.

Pagkatapos namin rumampa at batiin sa bawat hallway na dinadaanan namin ay nakarating naman na kami sa office ko sa may 3rd floor at sinalubong naman kami ni Vien.

"Goodmorning doc, anak mo doc ?" Taka naman na tanong nito dahil nung isang araw ay eto ang ini assist nya papunta dito sa office.

Tumango naman ako sa kanya.

"Ay doc akala ko dalaga ka pa, sobrang private kasi ng life mo" sabi naman nito.

"Goodmorning po" bati naman nito kay Vien.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon