Chapter 8

1K 30 6
                                    

Imee's Pov:

Today is friday at papunta kami ni Rod sa subic para sa launch ng kanyang bagong wine.

Nakaupo naman na kami sa lapit nito habang nagda drive. Nakakandong sa akin si Savi. Safe naman kami dahil wala naman nanghu huli sa daan na bawal ang bata sa harapan.

Nakatingin lang naman ito sa may bintana ng bigla itong magtanong.

"Mommy where is tita going ?" Tanong naman nito sa akin.

"To her boyfriend anak, umuwi din kasi ang bf nya" sagot ko naman sa kanya.

"Wala sya baby mommy ?" Tanong ulit nito.

"Wala pa baby eh, bata pa si tita at college palang" sagot ko naman dito.

"Mommy I don't like you to have baby" bigla naman nito na sabi.

Natawa naman ako dahil kung bf nga wala. Baby pa kaya.

"Nak, boyfriend nga wala, baby pa ?" Biro ko naman.

"Daddy is your husband, mommy eh so no other boy" nakasimangot naman nito na sabi at humarap sa akin ng upo.

Para naman akong nahiya pero tumawa lang naman ang ama nito.

"Ako lang daw asawa mo" biro pa sa akin ng ama nya.

Inirapan ko naman ito.

"Baby walang bf si mommy saka ikaw lang sapat na baby ko" sabi ko naman dito at hinalikan ng madiin ang pisngi.

"Mommy stop !" Reklamo naman nito.

"Ayoko baby kita eh" biro ko naman dito at patuloy parin sa pagyakap at halik sa pisngi nya.

Maya maya ay nag stop over na kami dahil isang oras pa bago makapunta sa may private beach na pagda dausan ng event.

Habang kumakain ay nakatingin lang sa akin si Rod.

Tinignan ko ito ng pagta taka.

"Kahit san ka dalhin, wala kang reklamo noh ?" Sabi naman nito sa akin.

Kumakain kasi kami sa may sikat na karinderya lang sa may tabing kalsada.

"Rod my parents did medical missions all their life. Growing up kasama na ko nila and we used to eat sa mga remote areas lang na halos walang upuan at sa may damuhan lang kumakain kasama ng mga Indigenous people. You think mag iinarte ako dito ?" Sagot ko naman sa kanya.

Hindi naman ito nakasagot at ngumiti lang sa akin at tinuloy ang pagkain nya.

Pagkatapos namin kumain ay nagpatuloy na kami ng byahe.

Pagdating namin sa mismong location ay namangha naman ako sa ganda nito.

Sinalubong naman kami mga employees at bumati ng may malawak na ngiti.

Pagkaturo samin ng kwarto ay nilagay naman na ni Rod ang gamit namin.

Nakita ko na isa lang ang kama pero malawak.

Tumingin naman ito sa akin.

"Alam nila asawa kita kaya isang bed lang yan" explain nya sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at pinagbihis na ng comfortable na damit si Savi.

Mamayang gabi pa naman ang event kaya pede pa kami matulog ng bata dahil ang aga namin umalis sa bahay at hapon na kami nakadating.

Habang nakahiga at tulog si Savi ay tumingin lang ako kay Rod na nakaupo naman sa may sofa.

"Paano kung tulog si Savi sa event ? Dito na lang ako para bantayan sya" sabi ko naman.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon