Chapter 20

230 18 7
                                    

Rod's Pov:

Pinayagan ako ni Imee na manligaw pero may kalaban.

Hindi ko naman alam ang gagawin dahil anong laban ko sa high school friend ?

Although natanong ko naman na talaga ang kila Cynthia ang mga gusto nito ay kinakabahan pa rin ako.

Kinabukasan ay nagluto ako ng breakfast dahil gusto lang ni Imee ang sweet gestures and actions kesa sa ginagawa ni Tommy na mga pabigay bigay ng kung ano ano.

"Goodmorning daddy" sigaw naman ni Savi at tumakbo sa akin.

"Goodmorning baby" bati ko naman dito sabay hinalikan ito sa noo.

"Goodmorning mahal" bati ko din kay Imee at lumapit dito at hinalikan ko din sa noo habang kalong pa rin si Savi.

Hindi naman ito nagalit at ngumiti lang ng tipid.

Habang kumakain ay nagda daldal lang naman si Savi at panay ang kwento.

"And you know mommy tita Irene told me, she's going to teach me when she gets home" sabi naman nito.

"Pero uuwi na tayo. Paano yun ? Si tita sa condo" rinig ko naman na sagot ni Imee.

Para naman akong natuwa dahil binigyan ako ng chance tapos hindi na din siguro sya galit dahil uuwi na sila sa bahay.

"Mommy you told lola last night you and daddy are okay na" bigla naman sabi ni Savi.

Nakita ko naman ang tango lang na sagot ni Imee.

Tinignan ko naman ito at tinignan lang din naman ako kaya ngumiti ako dito pero tumingin lang ulit kay Savi.

Pagkatapos namin kumain ay niyaya ko naman sila sa kalapit na sapa dito.

Habang naglalakad ay hawak ko lang minsan at ina alalayan ko lang si Imee kapag bato bato ang daanan at binubuhat si Savi.

Pag dating namin ay mababaw ang tubig at malinaw.

"Ang ganda" rinig ko naman sabi ng sabay ng dalwa at nakatingin lang sa sapa.

"Daddy can we swim please ?" Sabi naman ni Savi.

"Ask mommy anak kung pwede" sagot ko naman.

Tumingin naman si Savi dito at nag blinking eyes na naman.

"Anak wala tayong dalang extra damit, lalamigin ka" sagot naman nito.

Nalungkot naman ito at tumingin sa akin.

"Okay lang mommy if ilakad lang sya sa ga tuhod nya lang na level ng tubig ?" Tanong ko naman kay Imee.

Tumingin naman ulit si Savi sa kanya.

Nakita ko ang ngiti nito at tango.

Habang inaalalayan si Savi na lumusong sa tubig ay nakatingin lang naman si Imee sa amin.

Napapa tingin naman ako kay Imee dahil nililipad lipad nang hangin ang ilan buhok nito sa bandang mukha at kada ayos nya ay parang nakaka hypnotize.

"Wag kang tumingin ng tumingin sa akin. Madulas yan anak mo" sabi naman nito.

"Halika na dito mahal ... Medyo malamig ang tubig pero masaya lumusong" akit ko naman dito.

Tumango naman ito at lumusong din sa tubig.

Nakalusong naman na ito ng may tumawag sa kanya at hinugot nya ang phone sa bulsa.

"Yes Tommy ?" Rinig ko naman na bungad nito.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon