Chapter 7

230 17 6
                                    

Imee's pov:

Nagising ako ng kayakap ko parin si Savi at ang daddy nya ay tulog parin na nakaharap sa amin.

Pinagmasdan ko naman ito habang tulog.

Grabe naman kung hindi magma mahal ang lalaki na ito. Sayang naman, suplado lang at di pala imik pero mabait naman sya plus point pa dahil very responsible pagdating sa anak.

Bigla naman ako nagtulog tulugan ng gumalaw ito.

Naramdaman ko naman parang hinalikan nito ang anak nya sa pisngi dahil naramdaman ko ang buhok nito sa may chin ko.

After nya gawin iyon ay parang umalis naman na ito sa kama.

Maya maya ay napag pasyahan ko naman na gumising at saktong labas na nito sa may CR at ngumiti ng tipid sa akin.

"What time tayo aalis ?" Tanong naman nito sa akin.

"Mga 10 na, tulog pa ito oh" sagot ko naman.

"Wag mo na kasing yakapin, para magising. Mahaba matulog yan kapag kayakap" sabi naman nito sa akin.

He's really balance, alam nito kung paano i spoiled at i discipline ang anak nya. Bihira lang ang mga lalaki na ganun. Usually inaasa na lang sa mga asawa nila ang pagdi disiplina ng anak nila.

"Yaan mo na, mahigpit ang yakap eh" sabi ko naman.

Umupo naman ito sa may side nya at tumingin sa akin.

"Okay na ba kay Irene, lahat ng ito ?" Tanong nya sa akin.

"Hindi naman ako nagpaliwanag, kausap ko lang kahapon ng di parin sya masyadong kumbinsi. Baka nakita ang charm nito kaya napapayag na lang sya" sagot ko naman sa kanya.

"Your tears fell last night" mahina naman nito na sabi.

"Na pressure lang. Ang bigat na kasi" mahina ko naman na sagot.

"Wag mo kasing solohin, from now on you can tell me and ask me any help you need" sagot naman nito sa akin.

Napatawa naman ako sa sinabi nya.

"We are like not even a month yet na magkakilala, and then you are telling me that ?" Natatawa ko na sagot.

Tumingin naman ito sa akin ng seryoso.

"Seriously ?" Paninigurado ko naman sa kanya.

Tumango naman ito sa akin.

"P-pero bakit ?" Tanong ko.

"You are doing so much for my daughter. Parang anak mo talaga ang turing mo sa kanya. Helping you with your extra baggage is just little favor to do in my side compare of taking care of my daughter like your own" sagot naman nito.

Dahil wala naman akong masabi ay tumango na lang naman ako.

"Imee to be honest I tried finding the perfect woman to hire someone to be her mommy pero they all interest is the money but not Savi. And you, I can see how you are more than Savi than our deal. Kasi kung mas mahalaga sayo ang deal, edi sana hindi mo lagi sinasabi na baka ikasal kay Jake or hindi mo makukuha ang hospital" mahaba naman nito na sabi.

"Hindi naman mahirap mahalin itong anak mo, sobrang cute nga eh. You want to watch my videos when I'm this young ? She's a lot like me Rod" nakangiti ko naman sabi.

Taka naman itong tumingin sa akin kaya inutos ko naman na kunin ang lumang dvd at i play ito sa may tv.

Gumana parin naman ito.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon