Chapter 11

224 13 5
                                    

Imee's Pov:

Nagla lakad na kami papunta sa brgy na pupuntahan namin sa gitna ng bundok.

Hawak naman ni Rod ang isang bag na may mga medicines at bagpack nya at nasa akin naman ang bagpack ko. At ang isang kamay nya ay nakahawak sa kamay ko habang naglalakad.

Kita ko naman ang tingin ni Jake at napapansin ko na rin na napapatingin si Tommy sa amin.

Nagpahinga naman kami sandali para uminom ng tubig.

"Imee gusto mo dalhin ko na yan bag mo ? Baka nabibigatan ka na" alok ni tommy sa akin.

"Ah n-no thank you" sagot ko naman.

"Tubig Imee" alok naman ni Jake sa akin.

"We have water" sagot naman ni Rod dito.

"Ilang years na kayong kasal ?" Tanong naman ni Tommy.

Para naman akong tanga na kung sino ang magsalita ay dun ako nakatingin.

"Their not married, may anak lang sila" sagot naman ni Jake.

"But invited kayo kapag nagpa kasal na kami" pang aasar naman ni Rod.

Nakita ko naman ang smirk ni Jake at seryoso na mukha ni Tommy.

"Ah ... Doc tara akyat na tayo" pagi iba naman ni Vien.

Habang naglalakad at paakyat ay alalay parin ako ni Rod at hindi talaga ako binibitawan at nilalayuan.

"Anong problema ng lalaki na to' ... Utos ba ni Savi na bakudan ako ng husto ?" Sa isip isip ko.

Nang makarating kami sa brgy ay sinalubong na kami ng kapitan nila at ginabayan saka ipinakilala sa mga ka brgy.

Habang nagsa salita ako ay naiilang naman ako dahil nakatingin lang sa akin ang tatlo na magkaka tabi ng upo.

"Ah yun lang po, tomorrow po maaga po kami dito para mag check up ng mga bata. Sa ngayon po ay yung mga buntis at matatanda po muna" huling paliwanag ko naman sa mga tao.

Habang nakaupo sa table ay nakikita ko naman na nilalapitan ng mga bata si Rod at tinitignan maigi.

Natawa naman ako dahil parang confuse ang mukha nito.

Hinahawakan nila ito pati ang sapatos at relo.

Maya maya ay inabutan ako ni Tommy ng sandwich at tubig.

"Baka nagugutom ka na" sabi naman nito sa akin.

"Hindi mo ba nakikita ? May pagkain kami dito. No need bigyan si Imee, nasa tabi ko lang ang food namin" sagot naman ni Jake bigla dito.

"Jake ano ba !" Pagalit ko naman sa kanya.

"Thank you Tommy" ngiti ko naman na sabi dito.

Nakita ko naman na di makaalis si Rod sa pagkaka upo nya dahil amaze na amaze ang mga bata dito at palaging kinakausap.

Mukha kasi syang napapanuod na mafia talaga eh. Pati porma ay ganun din. Kaya siguro naa amaze ang mga bata sa suot at porma nito.

...

Pagkatapos ng check up namin ay dinala na kami ng kapitan nila sa tutuluyan namin.

"Ah ... Doc dito po kayo, magpa padala ako ng extra higaan para po sa asawa mo" sabi naman ng kapitan dito.

Ngumiti lang naman ako at nagpa salamat at ganun din si Rod.

Pagpasok namin ng isang kwarto ay para lang itong maliit na kubo at tanging solar lamp lang ang meron.

MOTHER ... FOR HIRE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon