Prologue

9.2K 110 41
                                        

It was the day of my life kung saan hindi na ako pu-pwedeng mag-chill, tapos na ang aking maliligayang araw at tunay na nakakalungkot ang bagay na iyon. Dahil pasukan na naman namin at mas mahihirap na ang mga subject na pag-aaralan, ito ang pinaka ayaw ko sa lahat ang mag-aral puwede naman kasing mag-asawa nalang agad eh. Iyong matandang, mayaman, madaling, mamatay. "Joke lang self, 'di pa pala ikaw puwedeng mag-asawa." biro ko sa sarili.

Saji raised her left eyebrow and looked at me as if nakakita siya ng baliw. "You are talking to yourself again, are you nuts?!" malamig niyang sinabi habang umiiling at pagkatapos ay muling sa librong hawak ang atensyon.

"Malapit na po." nakangising sagot ko rin.

"Yeah, I shouldn't ask that." she said.

I just make a face at her.

"Hindi mo kasi ako kinakausap!" sabi ko naman sa kanya inirapan lang ako nito ulit. "Hindi ka mukhang babae kapag nagaganyan ka." sabi ko sa kanya pero hindi na nya ako pinansin pa.

"Line for scholar students are now open!" sabi nung babae sa speaker kaya bumaling muli sa akin ang malamig pa sa yelo na si Saji.

"Wait me here nalang, or mauna ka na sa bulletin board tingnan mo kung anong subject tayo magkasama." utos nya sa akin habang inilalagay sa messenger bag nya ang libro.

Nakangisi naman akong sumagot. "Yes, mommy!" sabi ko na ikinasama ng mukha nya.

"Tsk, stupid I'm serious!" she said and rolls her eyes at me.

"Oo nga, ito naman walang humor sa katawan." nakangisi ko pang sabi at itinulak na siya paalis.

Nung nakaraang sem ay ganito rin ang set-up namin sa enrollment, magbabayad ako ng tuition at dun naman siya sa scholarship program. Hindi dahil mayaman ako kaya ako dito nakapila, iyon ay dahil 'di ako nakapasa sa scholarship easy go lucky lang kasi akong human being, at ayaw ko rin ng pressure kaya dito nalang ako.

Si Saji naman ay talagang likas na masipag, mas masipag pa nga ito sa tatay na may sampung panganay na binubuhay, believe din ako sa talino nya at tiyaga sa buhay na dapat kong tuluran, pero sa susunod nalang kasi hindi ako gaya gaya.

Ipapaubaya ko na muna kay Saji ang katalinuhan at karunungan, dahil baka maraming ma in love sa akin kapag tumulad ako sa kanya, ayaw ko pa naman ng distraction kasi career orientated ako, pero kung anak ni Bill Gates iyong lalandi sa akin sure why not, kahit anakan pa ako isang dosena.

Nakangiti akong pumila ng maayos at nung ako na ang susunod ay agad nangunot ang noo ko nung may isang babae ang biglang sumingit sa akin, mas matangkad ito ng konti dahil sa heels nya.

"Ay anak ng tipaklong si ate girl." pagreklamo ko pero parang hangin lang ako sa kanya, ni hindi manlang kumurap ito. Aba'y sakalin ko kaya ito? Gusto pa 'ata nito mag megaphone ako.

"Ma'am excuse me po pero may pila mo kasi," sabi ko ulit sa kanya pero mukhang 'di talaga ata ako narinig may kung ano siyang sinasabi run sa babae nasa loob.

"Ma'am, hello?" bulong ko malapit sa ear nya.

"Ma'am excuse po! NAUNA PO AKO!" sabi ko at pasigaw na ang huling salita kaya halos lahat ay nasa amin ang tingin.

The woman in front of me raised her eyebrows.
"Ay ang ganda mo naman." wala sa sarili kong nasabi habang nasa kanya ang tingin.

Starting from her perfectly tied healthy hair, her pointed nose, gorgeous eyes, and pinkish kissable lips na mukhang masarap I-kiss. Her face ratio is not a joke, she looks like a model.

"Stop staring, I know I'm gorgeous." she said full of confidence in herself. Ang hangin naman nito.

"Assuming, hindi kaya." sabi ko na nagpakunot lalo sa noo nya, huli nalang din nung ma realize ko ang sinabi, what I mean doon ay hindi ko naman siya tiningnan.

You Again, Professor  [GL• #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon