"What?!" gulat na sigaw ni Daddy sa akin nung makita ang report cards ko, ibinalik kasi nung school ang grades namin last sem. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. "You failed your Arc 114?? Napaka dali nalang sana nun, Chanty!" He continued at ibinato sa akin ang class cards.
Napayuko nalang ako at kinuha iyon sa sahig. "Dy, nagsusumikap naman po ako eh, sadyang nahihirapan lang akong makasunod," he cut me off.
"Nahihirapan o sadyang tamad ka lang?!" tanong nya sa akin at inis na inalis nito ang suot na necktie. Kakatapos lang ng hearing nya at kapag talo siya sa kaso ay ako ang pag-iinitan, dahil lang hindi ko ginusto i- pursue ang law. "Bakit hindi mo tuluran si Saji?! Nag-aaral nang mabuti, nagsusumikap sa buhay?!" sunod sunod na sigaw nya sa akin.
I just took a deep sigh. "Tinutularan naman po, kaso sadyang,"
"Sadyang tamad ka?! Iyon ang sabihin mo, Chanty, bakit kasi hindi nalang pag-aabugado ang kunin mo, matutulungan pa kita! Sa architecture wala kang future lalo at mababa ang salary rate nyan dito sa bansa, kung wala kang client wala kang pera! Eh, kung lawyer ka, puwede ka mag-apply sa government," naiinis nyang sabi sa akin.
"Hindi ko po gusto ang law, at bukod dun, ayaw ko rin na ilagay sa kamay ko ang batas lalo pa kung hindi patas ang batas dito sa Pilipinas!" makatuwirang pagdadahilan ko, mas lalo lang sumama ang tingin sa akin ni Daddy.
"Ignacio mahal, huwag mo naman ibuntong ang galit mo sa anak natin, hayaan mo siya sa kung ano ang desisyon nya, mabuti at nag-aaral hindi tulad ng ibang kabataan na maaga nag-asawa." sabi ni mommy at pumagitna na sa amin ni Daddy.
"Ayan ka na naman, Cindy!" she look at my Mom "you're tolerating her again!" sabi ni Daddy at umiling.
"Hindi sa ganun, ang akin lang don't push her so hard. Let her do what she can, at ayos na iyon."
"Oo nga, be thankful nalang Dy," nakangising sabi ko.
"Huwag mo akong binibiro dyan, Chanty!" inis pa rin na sigaw nito sa akin. "Sa susunod na bumagsak ka pa, mapipilitan akong ipag shift ka ng degree, sa ayaw at sa gusto mo!"
Nanahimik nalang ako hinihintay na umalis si Daddy sa harap ko. "Pinag bigyan na kita, at huling pabor na iyan, mag-aabugado ka kapag nabigo ka sa kursong hindi naman bagay sa'yo!" sigaw nya sa akin bago umalis.
Naiwan kami ni Mommy. "Anak, huwag mong masamain ang sinabi ng Dad mo, high blood iyon dahil talo sa hearing." mahinahong sabi niya.
"Naiintindihan ko naman 'yon Mama, tsaka sanay na ako sa kanya. Hanggat wala kasi akong napapatunayan sa degree na gusto ko, lagi nya isusumbat sa akin ang mga iyon." nakangusong sabi ko, lumapit si Mommy at hinawakan ang balikat ko.
"As long as you're doing fine at gusto mo ang ginagawa mo, susuportahan kita anak." nakangiti nyang sabi sa akin.
"Thank you, Mama."
"Mag-bihis ka na at dalhin mo itong mga niluto ko sa bahay ng Lola mo, para hindi na gumastos pa si Saji, alam mo naman ang pinsan mong iyon, masyadong ma pride." nakangiting sabi ni Mama.
"Sige ma, tsaka baka doon nalang din po ako matulog ngayong gabi, nakakatakot kasi si papa, baka sakalin ako nun habang tulog ako."
Mom laughed a bit. "Puro ka naman biro, marinig ka nun," she whispered.
Umakyat na ako sa itaas kung nasaan ang kuwarto ko at naligo nagbihis ng pajamas, kinuha ko rin ang ilang libro at ang laptop para mag-advance study na rin sa bahay nila Saji.
"Nay, may duty po si Saji kahit sabado?" tanong ko kay Lola at nagmano rito.
"Hindi ko sigurado, baka may pinuntahan lang saglit hindi naman bihis pang trabaho eh," sabi ni Lola at sa dala ko bumaling ng tingin. "ano iyang dala mo, apo?" tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)