Matapos ang klase namin ay dumeretso agad ako sa room ng club para sunduin si Yashna. Ngiting ngiti ako habang naglalakad sa hallway dahil excited ako na makita siya.
Naabutan ko si Nicole at Yashie na may seryosong pinag-uusapan, nahinto lang sila nung makita na pumasok ako, mukhang nagulat din sila sa biglaang pagpasok ko sa loob ng room.
"Chan?" tawag sa akin ni Nicole, nagtataka siguro siya kung bakit ako nandito pa, medyo madilim na rin kasi ang kalangitan at oras na para umuwi.
Ngumiti lang ako kay Nicole at lumapit kay Yashie. "Free ka na po ba?" malumanay na tanong ko sa kaniya, mula sa peripheral vision ko ay nakita ko si Nicole na napataas ang kilay.
"Baby talk yarn?" halata sa boses niya ang pagka-irita dahil sa boses ko.
Binalingan ko siya ng tingin at inirapan. "Pake mo?" sabi ko at nilingon ulit si Yashiegirl.
"Oum, yeah. I'm free na." tumango siya sa akin.
"Nasaan ang gamit mo, ako na magdadala." pag-presinta ko sa kaniya, and again Nicole enthusiastically laughed about it.
"Are you taking her out, Chan?" tanong ni Nicole.
"Secret no clue, bleh!" parang bata kong sabi sa kaniya at humakbang paalis para sundan si Yashie na kunin ang bag niya.
"Tss." Nicole hiss.
Ngayon ko lang din narealized na tatlo lang kami sa loob ng room. Siguro ay may importante talaga na pinag uusapan ang dalawa kaya sila nalang dalawa ang naiwan dito ngayon
"Ako na," sabi ko at kinuha ang gamit ni Yashie.
"Hindi naman mabigat, tsaka camera lang naman laman niyan." pagtanggi ni Yashie at inilayo pa sa akin ang bag niya para 'di ko makuha.
"Sige, bahala ka."
"Where are you guys going? Can I sama?" maarteng pagsasalita ni Nicole.
Hindi ko alam ang sasabihin. Ayaw ko rin i-reject si Nicole dahil baka ma-offend ko siya, hindi ko rin naman alam kung date ba namin ni Yashie ito dahil hindi rin naman malinaw ang usapan namin.
"Sure," sagot ni Yashie bago pa man lumabas sa bibig ko ang dapat na sasabihin. "Right, Chan?" ulit niya pa kaya sapilitan nalang ako na tumango.
"Saan ba kayo?" tanong ni Nicole habang inaayos ang kalat sa lamesa.
"Dyan lang sa coffeeshop sa labas ng PUS."
"Ah, sige. Wait for me lang," sabi ni Nicole.
"Sure." sagot ni Yashie sa kaniya.
I looked at the pile of paperwork Nicole was organizing, so I walked over to help her. "I can handle this, Chan," she said, declining my help.
"I know you can, but if we work together, we’ll finish quicker," I replied.
She hesitated for a moment, then nodded. "Okay, let’s get this done." pagsuko niya at hinayaan na akong tulungan siya.
Nung matapos kami sa pag-aayos, umalis na rin kami agad ng room, si Yashie pala ang taga sara ng room dahil nasa kaniya ang susi. Dumaan pa kami sa main building para makapag sign si Nicole, as president ng student council ay obligation niya iyon. Parang ako ang nahihirapan kay Nicole sa sobrang dami niyang ginagawa.
"May balak ka ba maging politician, Nicks?"
"Huh? Wala baliw! Pa'no mo naman nasabi iyan?" she confusingly asked me.
"Daig mo pa iyong pangulo sa sobrang dami mong ginagawa eh!" pagbibiro ko sa kaniya. Pero nawala ang ngiti ko nung may mapagtanto.
"Involving politics in my life? Wala sa plano ko, it's so marumi and I hate it," malumanay na sabi ni Nicole hindi na rin ako sumagot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)