"Apo, tahan na." sabi sa akin ni Nanay habang hinahamplos ang aking likod.
"Naguguluhan po ako at hindi ko rin alam kung ano po ba ang dapat kong maramdaman, naiintindihan ko rin si Daddy, and natatakot po ako para sa kaniya." humahagulgol na wika ko.
Niyakap ako ni Nanay. "Apo, hanggat hindi tumitiwalag ang iyong ama, walang mangyayari, ipagpasa diyos nalang natin ang lahat."
Wala ngayon si Saji, kaya si Nanay ang nakakita sa akin na umiiyak sa bahay nila. Masakit sa loob ko at napakabigat ng narinig mula kay Daddy, I need to vent out at sila lang dalawa ang comfort zone ko, sila lang din naman ang kakampi ko.
"Kumain ka na muna, Apo." sabi ni Nanay at inabot sa akin ang chicken fillet na binili niya.
Pinunasan ko ang luha at nanginginig na kinuha ang kutsara para kumain. "Kayo po?"
"Hihintayin ko nalang si Saji, kumain ka na muna at gabi na rin." malumanay na wika ni Nanay.
"Nanay, pa'no po kung magshift nalang ako ng kurso?" tanong ko.
"Hindi ba't nais mo ang architecture?"
Tumango ako sa kaniya. "Pero iniisip ko pa rin po iyong sinabi sa akin ni Daddy, what if I take law and help him?"
"Naiintindihan ko ang pagnanais mo na tulungan ang ama mo, pero Chanty apo, isipin mo rin ang maaring kahinatnan ng lahat, mas mapapahamak kayo." nag-aalalang wika ni Nanay Abeng.
"Alam ko po 'yon, pero naniniwala rin ako sa divine justice, para hindi lang si Daddy ang makalaya mula sa mga kamay nung senador na 'yon, maging ang mabigyan ng hustisiya si North at ang Nanay niya. They deserve the rightful justice."
Nahinto sandali si Nanay nung marinig ang sinabi ko. "Kung ganon ay pag-isipan mo itong mabuti, Apo. Suportado kita sa kung ano man ang balakin mo sa buhay, mag-iingat ka lamang."
"Salamat po," muli akong sumubo ng pagkain.
"Huwag mo nalang muna isipin iyon. Kumain ka muna." bilin niya at ginawa ko rin iyon.
Ilang sandali ang nakalipas ay muli siyang nagsalita.
"Naalala ko ang iyong ina nung kabataan niya at ni Northia." nilingon ko si Nanay at pinakinggan ang sasabihin niya. Alam ko na may alam siya tungkol kay Mommy at Northia. "Nung unang beses na dinala niya rito iyon, sinabi niyang kaibigan niya lamang. Pero kami ng Lolo Cresencio mo ay may napapansin na iba, mukhang higit pa sila sa isang magkaibigan."
"Halata pala si Mommy nun." medyo natawa pa ako at umiling, habang patuloy pa rin sa pagkain.
"Noong una, siyempre hindi namin matanggap dahil, gusto namin ikasal ang iyong Ina sa lalaki at magkapamilya siya, pero..."
"Ano po?"
"Pero si Northia na mismo ang nagtapat sa amin kung gaano niya kamahal ang mommy mo, at dahil doon tinanggap namin sila. Mabait, matalino at magandang bata si Northia, sa tingin ko ay may lahi rin siya dahil sa mata niyang kulay berde." bawat salita ni Nanay ay iniisip niyang maigi, tila isang lumang painting ang kaniyang dini-discribe habang inaalala ang bawat detalye.
"Pero dahil nabuntis ni Daddy si Mommy ay naghiwalay sila?" dugtong ko sa kwento ni Nanay.
Pero umiling si Nanay Abeng. "Hindi... hindi ko alam ang totoong dahilan, pero magkaibigan naman talaga ang Daddy mo at Mommy, madalas din sila noon sa bahay, nagulat nalang kami nung nagdesisyon sila na magpakasal, hindi ko alam ang totoong nangyari sa kanila ni Northia."
"Pero iyon po ang narinig ko sa usapan nila Daddy nung nag-aaway sila ni Mommy, and it seems like my Mom really regrets everything that happened, mahal niya pa rin si Northia."
![](https://img.wattpad.com/cover/349270568-288-k959751.jpg)
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, who was a gregarious person, unexpectedly met her cold-hearted and grumpy professor. Their encounter was tense, contrasting Khaiy's cheerful nature with the professor's stern demeanor. This...