Chapter 15

2.6K 82 19
                                        

"Chan, kanina ka pa hinahanap doon sa may main hall. May practice na 'ata kayo!" sigaw sa akin ni Luke nung makasalubong ko siya sa corridor. Pa cool ito habang kumakain ng ice cream.

"Huh? Kakatapos lang ng klase ko ih, andun ba si Nicks?" tanong ko at kinuha ang ice cream na kinakain niya para tikman.

"Pashnea ka!" inis na sabi niya sa akin.

"Iw, akala ko pandan matcha pala, lasang lumot!" nandidiri kong sabi at ibinalik sa kanya ang ice cream.

"Ikaw mukhang lumot!" inirapan niya ako.

"Baklang 'to, hoy ano nga?! Andun na ba si Nicole?" tanong ko ulit sa kaniya.

Tumango ito. "Oo, siya nga nag-utos sa akin na hanapin ka, hindi ka rin daw sumasagot sa tawag niya."

"Malamang may klase ako, tss."

"Wow, nagpapanggap siya nag-aaral ng mabuti." pang aasar niya pa sa akin.

"Mama mo mabuti!"

"Wala na akong mama, ang sama ng ugali mo!"

"Ay sorry, na offend ka ba? Mabuti nga, deserve mo!" pang iinis ko pa sa kaniya.

"Sige na lumakad ka na dun, baka masaksak pa kita, hahanapin ko rin si Saji." abi ni Luke at umalis na sa harapan ko.

"Pakisabi kay Saji. Mauna na rin siyang umuwi," habilin ko rito bago tuluyang lumayo.

"Sige," sigaw niya at kumaway pa sa akin.

Ako naman ay nagmamadaling tinungo ang main hall. Nung makarating ay naabutan ko ang ilang mga kasama kong candidates din na nakatayo sa may stage at lahat ay nakahanay.

Mukhang ako nalang talaga ang hinihintay nila.

Nung mapansin ako ng  mga  baklang na mag-orient sa amin, ay masama ang mga tingin nito sa akin. "Aba, miss napaka aga mo naman." one of them sarcastically said at hindi inalis sa akin ang masamang tingin.

Napalunok naman ako sa hiya. "Sa susunod na may ma late pa, h'wag na kayong sumali!" dagdag din nung isang bakla na may scarf sa leeg, medyo wala na rin siyang buhok, tinalo niya pa Gru ng despicable me.

"May klase pa po kasi ako, kaya po medyo nahuli ako ng dating." malumanay kong dahilan, pero mukhang hindi effective iyon sa kanila.

Aba edi huwag! Choss!

"Ay kasalanan mo na iyon, hija. Ano kami pa ang mag-a-adjust?" mataray na tanong nung bakla sa akin, kamukha niya naman si anxiety.

"Hala hindi naman po kita sinisisi!" sabi ko sa aking isipan.

Lahat halos tuloy ng tao sa main hall ay nasa akin ang tingin. Napakagat nalang ako sa labi, dahil sa kahihiyan. Nakita ko na narito  nga rin si Nicole may hawak na mga papel, at si Ma'am Lopez pero wala sa akin ang tingin nito kundi sa mga papel na binabasa niya.

"Sorry po!" malumanay kong sabi sa kanila.

"Ay, naku! Naiinis ako, dapat maaga kayo, kung alam niyong ganito ang oras ng call time, dapat hindi Filipino time, ano VIP tayo rito?! Hindi kami binabayaran para mag-aksaya ng oras?!' sermon pa sa akin nung bakla.

Lagyan ko kaya povidone-iodine ang bibig nito?

Lalo lang tuloy akong nahiya, pinag titinginan din ako nung mga kasama kong candidate. Muli akong bumaling sa gawi nila Nicole, at mukhang masama ang tingin ni Nicole doon sa bakla.

"It's my fault po, hindi ko nasabi agad sa kaniya ang oras ng orientation, don't blame her." pagtatanggol sa akin ni Nicole.

Pero ang totoo ay nabanggit niya ito kahapon sa akin nung nasa Lazallde resort pa kami, medyo nawala lang sa isip ko dahil buong magdamag ay si Ma'am Lopez ang iniisip ko at ang mga sinabi niya.

You Again, Professor  [GL• #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon