[English/Tagalog]
A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
Umuwi ako at gaya ng dating gawi ay tatambay muna ako sa bahay nila Nanay, para chikahin si Saji dahil wala na naman ang parents ko at nasa hearing sa manila. Ayaw ko naman mag-isa sa bahay at baka mabaliw ako.
Naabutan ko si Saji, na nagbabasa sa may table nya, kaya umupo nalang ako sa kama niya. Ni hindi manlang niya ako pinansin nung pumasok ako, kaya nanahimik nalang din muna ako, at mukhang malalim din at seryoso siya habang nagre-review para sa contest na sinalihan.
Napakagat labi ako nung maisip na hanapin ang social media account ni Yashiegirl. Sinimulan ko sa Facebook, pero mukhang dummy accounts lahat iyon, kaya naghinala agad ako na baka famous siya, mukha pa namang model ang isang iyon.
Pumunta ako sa Instagram at tama nga ang hinala ko na, famous siya. Sabagay, sa ganda niyang iyon, talagang maraming hahanga, lalo pa iyong mata niyang kulay green. Parehas naman kami ng kulay pero mas bright iyong kanya.
Nag scroll me nang nag-scroll, bawat picture na naka post sa feed niya ay napatulala ako for about a few minutes. Grabe ang ganda niya talaga, hindi ko alam kung naiinggit ako sa ganda niya o nababading na 'ata ako?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hala, shet ang ganda!" sigaw ko kaya naman inis na bumaling sa akin si Saji.
"What's wrong with you? Why the fvck are you shouting?" takang tanong niya sa akin. Lumapit naman ako sa kaniya at ipinakita ang mukha ni Yashiegirl, walang interest naman niya itong tiningnan.
"Oh? Anong gagawin ko dyan?!" masungit na tanong niya sa akin.
"Tsk, palibhasa sa mukha ka lang ni Ma'am Fernandez naakit eh," pang-aasar ko pa sa kanya kaya mas lalong sumama ang mukha niya sa akin.
"Shut up, Chan!"
"Sus, totoo naman!" muli kong pang-aasar.
"Bahala ka sa buhay mo!" inis na sigaw nya sa akin at tinalikuran na ako, muli niyang itinuon ang sarili sa pagbabasa.
Nag-scroll pa ako ulit nang nag-scroll sa feed ni Yashiegirl. I can't really stop myself from staring at her pictures. Grabe ang ganda talaga.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.