"I'm sorry po, Ma'am hindi ko po alam." natataranta kong sabi at agad na tumalikod sa kanya nung akmang haharap ito sa akin. Napakurap rin ako ng aking mata at tinitingnan ang pader na ngayon ko lang na appreciate.
Ano 'to pader?
"What the heck are you doing here?!" inis na sigaw nya sa akin. "And why are you always everywhere!" sunod nyang sigaw na halos maalis na ang eardrums ko.
"Ma'am Lopez, hindi ko naman po talaga alam bakit po kayo nandito!" nagtataka ko ring dahilan sa kanya, that won't help fix anything in this awkward situation pero least she knows I was telling the truth. "Sorry po, wala naman po akong nakita, kulay lang po ng bra niyo." pabulong kong dagdag.
"What a pervert!" inis nyang sigaw at biglang may tumama sa likuran ko, iyon pala ay binato ako nito nung mga ruler sa lamesa.
"Aray!" daing ko pa. "Ma'am Lopez, masakit ah!
"You deserve it, napaka walang galang, and pervert!"
"Luh, assuming naman neto 'di kita type ma'am noh!" sigaw ko sa kanya habang hinihilot ang tinamaan nung vernier scale. "Pag ito may dugo, Ma'am Lopez, sinasabi ko sa'yo kakasuhan kita." Kunwaring banta ko sa kanya
"Freak!" sigaw nya sa akin.
At haharap na rin sana, nung maalala ko na hubad nga pala siya. Maya maya ay narinig ko ang muling pagbukas ng pinto.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Nicole kaya humarap na ako sa kanila, may suot na ring damit si ma'am Lopez, at masama pa rin ang tingin sa akin she was even covering her chest, what an exaggerated akala mo naman hinaras ko siya.
"Nicole, why is she here?!" takang tanong nya kay president na nagtataka rin nung makita siya, palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Ma'am.
"Ate, ba't andito ka?" tanong din niya kay Ma'am.
Ate??? Kaano ano nya si Ma'am?
Ma'am Lopez rolls her eyes. "Nathan, told me wala kang kasama so I came over," she said at muli akong tiningnan ng masama.
"Ayos naman na ako ate hindi," ma'am cut her off.
"Answer me first, anong ginagawa ng bastos na 'to here?!" tanong nya kay Nicks pertaining to me.
Wow, bastos?? ME??
"Dito siya matutulog, may assignment kaming tinatapos, Ate, ba't 'di ka pala nagsabi na pupunta ka edi sana hindi ganito ka awkward ang nangyari." sabi ni Nicole at pumagitna na sa amin, inirapan siya ni Ma'am.
"I'm always welcome here, so informing you wasn't necessary?" mataray na sagot nya kay Nicks at sa akin ulit ang tingin. "And this brat!" tinuro nya pa talaga ako. "Bakit nandito siya sa room ko, what an invader perv!" inirapan nya ulit ako.
Guest room naman ito, so puwede ako.
"Kapal!" bulong ko at ngumuso.
"What did you say?!" inis na tanong ni Ma'am at lalapit sana sa akin pero agad na pumagitna sa amin si Nicole.
"Hala ate, wait calm down naman muna, huwag ka magalit kay Chan." awat nya kay Ma'am Lopez at hinawakan ito, tinabig naman ni Ma'am ang kamay nya.
Bumaling sa akin si Nicole. "Sorry, nakalimutan ko sabihin, dito nga pala natutulog si Ate, I mean yeah si Ma'am Lopez, if mag-isa ako, we're second cousins pala." she explained at napanganga naman ako.
"Huh? Eh!?, teka ba't hindi namin alam?" takang tanong ko. Ma'am Lopez glared at me.
"And why would you care?" she said.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)