Nung maka-uwi ako sa bahay ay naabutan ko ang parents ko na mukhang kararating lang din. Nakaupo si Dad sa sala, he looked so stressed, maging si Mommy ay ganon din, nakatulala pa ito. Even if I wanted to ask what happened ay mas pinili ko nalang ang manahimik.
Hindi rin nila ako halos napansin na pumasok. "Good evening, Dy." bati ko sa kaniya at nagmano, tumango lang siya sa akin, sumunod ay kay mommy ako lumapit at nagmano rin. "Hi, Mommy." bati ko pero tipid na ngiti lang din ang ginanti nila sa akin.
I could feel the heavy atmosphere between them. "Okay lang po ba kayo?" tanong ko sa kanila.
Si Mommy lang ang tumingin sa akin. "Of course, anak. Magbihis ka muna, may pasalubong kami sa'yo sa kitchen, si Nanay at Saji, dalhan mo na rin." pilit ang pagsasalita ni Mommy, kaya sinunod ko nalang ang utos niya.
It bothers me kapag ganon sila, pakiramdam ko ay magkaaway silang dalawa. Nung bata ako, kapag nag-aaway sila ay ganon lang katahimik, mamaya pa sila magsisigawan, kaya tatakbo ako sa bahay ni Nanay at Lolo, dahil natatakot ako sa parents ko tuwing nag-aaway sila.
As a child, it traumatized me. Kaya nga wala rin sa plano ko ang mag-asawa.
Umakyat ako at nagbihis ng pajamas, pagkatapos ay bumaba, pumunta ako sa kitchen namin. Pero kahit naroon ako sa kusina ay naririnig ko ang usapan ni Mommy at Daddy.
"Why didn't you tell me about Ignacio?!" pagsasalita ni Mommy na may halong panunumbat kay Daddy.
Ano kaya iyon?
Nanatili lang ako sa may gilid nung pinto sa kusina, hindi naman nila ako makikita kaya nagtago ako at pinakinggan ang usapan nilang dalawa.
"Cindy, hindi ko sinabi dahil alam kong magiging kontra ka sa akin." malumanay na sagot naman ni Daddy sa kaniya.
"Pero kahit na, Ignacio, dapat sinabi mo sa akin ang tungkol sa kasong iyon? You didn't even ask for my advice, what kind of husband are you?!"
"It's not the right time para sumbatan mo ako, what I've done was already done, matagal na iyon hindi ko na maitatama pa. And in fact, malaki ang naging tulong sa atin ng senador na iyon, kaibigan ko rin siya Cindy!"
"That's why hinayaan mong bayaran ka nila, knowing they are guilty of what they did!" sigaw muli ni Mommy.
"In the courtroom, I wear a mask of strength, but the weight of defending those I know are guilty slowly breaks me inside. Pero wala akong magagawa, trabaho ko 'yon. They paid me to defend them," nahinto si Daddy nung magsalita ulit si Mommy.
"Pero alam mong kaibigan ko rin si Northia, anak niya ang namatay, Ignacio!" nahinto si Mommy sandali at narinig ko ang paghikbi niyo. "Kung nabubuhay din si Northia, ay hihingi siya ng tulong sa atin, pero nagkamali ako, dahil ikaw mismo ang naglagay ng maling batas para sa kaniyang anak. Ni hindi ka manlang na konsensya!" naghihinagpis na sumbat ni Mommy sa kaniya.
"Matagal na nung mangyari iyon, ilang taon na rin. Itinago ko ang kasong iyon, dahil alam kong hindi ka papayag na hawakan ko. Pero ang senador nagbayad siya ng malaking halaga,"
"Kaya ibenenta mo ang konsensya mo!"
"Dahil kailangan natin iyon, Cindy! Hindi ka makakuha ng limang daang milyon sa daan, kahit ilang hearing pa ang gawin ko!"
Napatakim ako sa bibig dahil sa narinig. Alam ko naman na marumi talaga ang pagiging abogado, dahil nakataya doon ang konsensya at prinsipyo, pero nagulat ako nung may patay ng involved at alam ni Dad kung ano ang totoo pero mas pinili niyang gawin ang hindi dapat para sa pera.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, who was a gregarious person, unexpectedly met her cold-hearted and grumpy professor. Their encounter was tense, contrasting Khaiy's cheerful nature with the professor's stern demeanor. This...