Chapter 24

2.3K 73 24
                                        

"Seems more likely than that," she said meaningfully, causing me to look at her in confusion before she stepped away. "See yah again later, Chan." she added and wink before walking out.

Umiling nalang ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos.

Ang susunod na part ng contest ay ang formal attire, formal na ring magpapakilala kami isa isa at may mga katagang sasabihin, tig three minutes lang ang maximum na stage time namin kaya dapat mabilis ang bawat pagsasalita.

Number eight ako kaya medyo matagal pa ang paghihintay bago ako sumalang.

Huminga nga muna ako ng malalim bago lumabas sa backstage. Muli akong lumakad at nakangiti sa mga taong hindi ko naman nakikita ang mukha. Lumapit ako sa dalawang emcee.

"Good evening, contestant number eight." bati nung babaeng emcee.

"You're gorgeous tonight," bati naman nung lalaking emcee.

Inabutan nila ako ng microphone. "Thank you for that wonderful compliment, and good morning---" sandali akong nahinto nung marealize, narinig ko naman ang tawanan ng lahat kaya medyo natawa ako at nawala sa sasabihin. "Okay, take two." nahihiya na medyo natatawang sabi ko.

"Mukhang excited na mag-umaga si Contestant number eight." natatawang sabi muli nung babaeng emcee.

"Okay, once again, good evening to all of you, I'm Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, twenty years of existence on this planet called Earth, BS in architecture student, representative of the Master's Club Organization, marahil ay nagtataka kayo kung bakit ako naririto ngayon? Iyon ay dahil hindi ko rin alam, and I do believe na kung hindi para sa akin ay ipipilit natin! And I, thank you!" I said, and everyone in the auditorium laughed even more ang iba ay pumalakpak pa sa tuwa.

"Woah, I love the confidence that this contestant has, partner." natatawang sabi nung lalaking emcee sa kasama niya.

"Mukhang ikaw na agad ang crowd favorite, I love the humor that she has." nakangiti wika pa niya.

"Okay, so candidate number eight, or rather Miss MCO, what can you say about being here tonight? How are you feeling?" The emcee asked me again.

"Overwhelmed and, the main reason why I'm here ay dahil pinag-tripan lang po talaga ako nung club officers namin," muling nagtawanan ang lahat. "Biro lang, pero...it such an honor and lalo na po dahil ngayon lang din ako sumali sa ganitong contest, so I'm grateful, and shout out pala sa mga Master's Club members diyan! Kapag nanalo ako rito libre niyo 'ko!" sabi ko pa at kinawayan sila, although ipinagbawal ang kumaway sa crowd ay ginawa ko pa rin.

Rinig ko ang malakas na sigawan at ang drum mula sa gawi ng aking mga kasama sa club. They were all cheering for me. Sandali silang nailawan ng spot light, kaya kitang kita ko ang saya nila habang sumisigaw, natutukan din sila ng camera kaya lumabas sila sa screen.

"Do you feel na makukuha mo ang title for this event?" tanong nung babae emcee.

"Uhm, for me, the title is just a bonus because the real victory is standing here in front of everyone, being confident, and showing how unique each individuals na kasama ko, and to showcase our beauty and talent. So, as one of the contestants, I already feel like a winner. Thank you." I said, then slowly stepped away.

Pakiramdam ko kasi ay sumobra na sa tatlong minuto ang stage time ko. Dali dali akong bumalik sa backstage, ang mga kasama ko ay nakangiti sa akin at ang iba naman ay masama ang tingin at nagpaparinig na sumobra ako sa time. Kaya nahihiya nalang akong yumuko.

Ang susunod ay swimsuit, kaya medyo dito ako kinakabahan. Hindi ako sanay na magpakita ng too much revealing pero I have no choice.

Medyo saglit lang ang time namin para sa swim wear. At bukod doon ay kinakabahan talaga ako, kahit pa one minute and fifty seconds lang ang time namin para magpakita sa stage.

You Again, Professor  [GL• #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon