"Hoy, Zsalm Jelani "walang pakealam sa mundo" Alcantara Gomez!" sigaw ko sa kaibigan at binato pa ng unan nya. Kanina pa kasi siya tulala which is hindi naman bago sa akin pero nararamdaman ko ang bigat ng aura na dinadala nya.
Kanina pa ako nagkukwento sa kanya dahil sa nangyari kahapon sa party nung Lola ni Ma'am Lopez, at parang kausap ko ang hangin dahil she's not responding sa akin.
Nilingon nya ako at tinaasan ng kilay. "Are you okay?" tanong ko nagkibit balikat nalang siya. "Kung ano man ang pinagdaraanan mo, daanan mo lang huwag mong tambayan." sabi ko at tipid naman siyang ngumiti at muling sa laptop itinuon ang atensyon.
"Ay siya nga pala, Saji." tawag ko ulit nung may maalala. "Bakit pala kinukulit ka ni Ma'am Fernandez? Close ba kayo nun dati?" tanong ko.
"Hindi, don't ask." tipid at malamig nyang tugon.
"Eh, ba't ganun iyon sa'yo? Tsaka nung hindi ko pa sinabi na magpinsan tayo hindi nawala ang sama ng tingin sa akin, minsan naisip ko tuloy baka crush ka ni ma'am Fernandez." wala sa sariling sabi ko at nilingon naman ako ni Saji na may masamang tingin.
"Dapat hindi mo na sinabi."
"Duh, baka isipin nun jowa kita sa sobrang close natin isa pa, she's asking me kaya sinagot ko." makatuwiran kong sabi sa kanya.
"Tss, ang kadaldal mo minsan talaga." gigil na nya ngayong tugon sa akin.
Mas lumapit ako sa kanya. "Teka, why I smell something fishy? May past ba kayo ni Ma'am Fernandez?" hindi ko na napigilan ang magtanong dahil sa curiosity. "Tsaka masyado siyang," hindi ko na naituloy ang sasabihin nung marahas na isinara ni Saji ang laptop at masama ang tingin sa akin.
"Shut your pasmadong bibig, and don't ask me anything," malamig na sabi nya at tumayo na. "Maliligo lang ako." she said at iniwan na ako.
Nagkibit balikat nalang ako at tinapos na ang plates na ginagawa dahil mga nasa sampu pa ang tatapusin ko, plus may submission din pala nung group plates namin bukas, sana ay tapos na ni Nicole, tapos dagdag pa ang isang subject na tinitake ko ulit at may assignment pa.
Gusto ko nalang maging pusa sa sobrang dami ng mga gagawin. Para no school, no assignment, no problem just meow meow.
Matapos ang gabing iyon ay literal na umaga na ako nakatulog. Mabuti at ginising ako ni Saji para mag intindi kundi ay male-late ako.
Kinakabahan na ako sa subject namin dahil bukod sa calculations ito ay ang pinaka mabait pang professor ang magtuturo sa amin, nung nakaraang araw ay ibang professor ang pumasok sa amin but since inaayos pa ang schedule ng mga professor na shuffle at sa minamalas nga naman ay si ma'am Lopez pa ang pumalit.
"Can't your leg stay still?" inis na tanong sa akin ni Saji sa nanginginig kong binti.
"Kinakabahan ako eh," nakanguso kong sabi.
"It's just geometry." chill na sabi ni Saji at nag sketch na ulit sa papel nya.
"Tss, akala mo naman talaga same tayo ng utak." inis ko ring sabi sa kanya.
Maya maya pa ay biglang tumahimik ang classroom, pumasok na kasi ang mabait, hindi mataray at talagang hindi nakakatakot na si Ma'am Lopez, dala nya ang isang makapal na libro at ang iba't ibang ruler nya.
She was wearing a simple light blue long sleeve na pinatungan ng black vest, and dark blue pants. Ang simple lang nung suot nya pero dahil siya ang may suot iba ang elegance na dating nito.
"Greetings for everyone!" panimula nya na nagpataas agad sa balahibo ko. "I am your new professor for this course, since mister Rogers is having a hard time due to his conflict schedule, I hope you will listen with all your heart and not just your ears, for this last semester of your freshmen year," sabi nya at iginala ang tingin sa buong classroom hanggang sa matanaw ako nito at tinaasan ng kilay. "No need to introduce yourself, dahil hindi ko rin naman kayo maalala, just work hard and do everything to have better grades, that way ay makikilala ko kayo." nahinto ito at bumaling sa whiteboard.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)