CHAPTER 30

2.3K 55 11
                                        


"Hoy, umayos ka nga!" sigaw ni Luke sa akin at inalog pa ang magkabilang balikat ko. I feel like I'm a paper dahil umalon alon din ang paningin ko. My head hurts, sobrang dry rin ng lalamunan ko.

Bumuntong hininga ako, pinawi ang luha sa pisngi at nilingon siya. "Hmm?"

"Kumain ka, para kang ewan dyan!" kinuha niya ang lunchbox niya at umaktong susubuan ako. "Kapag ikaw nagka ulcer, lumala 'yon, na-ospital ka, tapos hindi ka gumaling, tapos namatay ka! Edi kawawa naman ako?"

"Tarantado ang advance mo naman mag-isip!"

"Kaya kumain ka na...say ahh!" muli niyang itinapat sa akin ang kutsara.

Umiwas ako at mahinang itinulak ang kamay niya. "Ayaw ko, I have no appetite." sabi ko at muling isinubsob ang ulo sa aking mga braso.

"Ano ba 'yan?! Mahigpit na bilin sa akin ni Saji, kumain ka!" sermon niya at muling umakbo na susubuan ako. "Huwag na maarte!"

Umayos ako sa pagkakaupo. "Ayaw ko nga, at saka, ba't mo kasi sinabi?! Dagdag ka pa sa problema nun!" inirapan ko ito.

"Hoy, wala akong sinasabi dun ah!" pagtanggi niya at umiling pa sa akin. "Nalaman niya raw sa news at isa pa—sikat na lawyer ang tatay mo, malamang ay kakalat nga agad 'yong balita!"

"Tss," umirap ako.

Ilang araw na simula noong naaresto si Daddy, hindi rin ako umuuwi sa bahay namin dahil galit pa rin ako kay Mommy, sa bahay muna ako ni Nanay Abeng, tutal ay umalis na si Saji doon. Minsan naman ay nakikitulog ako sa bahay ni Luke at ng pinsan niyang si Cruzette, minsan ay sa ibang mga kakilala ko rin. Ayaw ko pa kasing harapin si Mommy, lalo na at hindi maganda ang huling pag-uusap namin.

I'm still mad at her, hindi dahil nasampal niya ako—kundi dahil mas pabor siya na kailangang makulong ni Daddy, which I totally disagree, hindi mamatay tao si Daddy, at alam kong malinis talaga ang konsensya niya.

Hindi pa rin ako puwedeng dumalaw kay Daddy ngayon sa sa police station, dahil nasa investigation phase pa rin ang mga police. Sa susunod na araw ay maghahain na ng pormal na kasulatan para sa kaso ni Daddy and maybe next week ay may first hearing na.

"Hindi ako puwedeng umupo na lang dito, Luke!" biglang sabi ko sa kaibigan, natigilan siya sa pagkain at nilingon din ako. Ang iba sa cafeteria ay napalingon din sa amin.

Nakataas ang kilay niya sa akin. "Huh?"

"While I'm here, ay patuloy din sila sa pagawa ng ikakaso kay Daddy, pero biktima lang din siya, he needs me!" mariin kong sabi sabay akmang tatayo sana nung hilahin ako ni Luke.

"Hep hep, huwag kang padalos-dalos, Chan. Naniniwala ako sa'yo at sa mga sinasabi mo, pero kailangan mo rin mag-isip muna ng mabuti," ibinaba niya ang lunchbox. "Sabihin nating, your Dad told you everything, at inosente nga siya, pero paano mo mapapatunayan 'yon? They uno reverse him, nadiin siya sa kasong biktima lang din siya at ang may pakana ng lahat ay ang senator na 'yon di ba?" mahinang sabi niya sa akin.

Tumango ako sa kaniya. "So, what are you trying to say?"

"Your Dad—Protected you and your, Mom. Wala rin siyang ginawa nung nahuli siya, kusa rin siyang sumama, right? Kasi ayaw niyang mapahamak ka, at kung magiging padalos-dalos ka sa mga magiging desisyon mo, baka ikaw din ang isunod nung senador na 'yon, knowing na maimpluwensyang tao siya higit sa lahat ay hawak niya ang batas."

My brows furrowed in frustration. "Are you telling me there's nothing I can do?" I asked, my tone laced with irritation. 

He let out a deep, heavy sigh, as though preparing to tell me something I wouldn’t want to hear. "Do you want me to be brutally honest?" tanong niya, his voice calm but firm. "Oo, there’s nothing you can do—unless you, yourself, are part of the law. That’s the only way you’d have the power to change anything."

You Again, Professor  [GL• #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon