Chapter 5

2.9K 91 3
                                        

"What the heck, late na ako!" sigaw ko na halos umabot na sa kabilang barangay dahil sa inis sa sarili. Tinanghali ako ng gising dahil sa plates na tinatapos ko, nahihiya rin kasi ako humingi ng tulong kay Saji, knowing na mas marami siyang tinatapos kesa sa akin, plus may trabaho pa siya.

Okay lang sana na mahuli ako sa ibang subject, kaso sa klase ni Ma'am Lopez na masungit at palaging galit sa akin, pa ako nahuli.

Dali dali akong naligo, hindi ko nga alam kung ano ang ginawa ko sa five minutes na ligo. Mabuti nalang at binigay na ni Daddy sa akin ang motor ko, kaya hindi na ako nahihirapan mag-commute, minsan nalang kapag sabay kami ni Saji pumasok.

Nakarating naman ako sa Pendleton University na sabog, walang suklay, walang make-up, at gusot ang suot na damit. Mula parking lot ay tinakbo ko ang elevator at kung minamalas ka nga naman ay under renovation pa ito, kaya ang fourth floor naming classroom ay inakyat ko.

Nagkasalubong ko pa si Nicole na nakangiti sa akin. "Hi, Chan? Are you okay, you look awful?" tanong niya habang mariin akong tiningnan, kulang nalang ay matawa siya sa pagmumukha ko.

"Oo naman, President Nicks. Advance sa halloween, hehe."

"What?" takang tanong niya.

"Nagmamadali ako eh, bye!" sabi ko at iniwan na siya, bago ako tumalikod sa kaniya paakyat ay nakita kung pa'no siya tumawa sa akin. Well, sino nga bang hindi matatawa kapag nakita ang mukha ko na mas malala pa sa malala.

Hingal na hingal kong binuksan ang sliding door at napataas ang kilay ko dahil hindi pamilyar na tao ang nasa loob, nagtataka nila akong tinitingnan.

"Yes, miss?" tanong nung lalaking professor.

Nagtaka rin ako at nung tiningnan ko ang nakalagay sa itaas ng pinto ay maling classroom pala. "Hala, sorry po!" nahihiyang sabi ko at agad na isinara ang pinto, sa sunod na classroom ako pumasok at paniguradong sa amin na iyon.

Hiyang hiya ako sa sarili at naiinis din dahil sa mga kamalasan at katangahan ko sa buhay. Talagang nakakaputang-ina naman.

Pumasok ako sa loob at ang masamang tingin ni Ma'am Lopez agad ang bumungad sa akin. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko." sabi ko sa isip at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Why are you late, miss Sanchez?" malumanay na tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya at wala naman sa akin ang tingin nito at nasa mga libro nya sa desk, may hawak din siyang marker.

She was wearing a khaki long suit, and pants na bagay na bagay sa kaniyang ganda. Her natural dark brown hair color and her captivating eyes makes me stared at her for a while.

"Miss Sanchez?" muli niyang tawag sa akin kaya natauhan ako at bumalik sa reyalidad.

"Late po nagising, sorry po, ma'am." nahihiyang sabi ko. Mula sa mga nakaupo naman ay tiningnan ko si Saji na umiiling sa akin, kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin. Alam ko na ganon siya mang-asar sa akin, at sasabihan pa ako nyan minsan na 'deserve' hayst.

"You think, that's reasonable enough para tanggapin pa kita ngayon sa klase ko?" matapang na tanong ni Ma'am Lopez, kaya kinabahan naman ako.

"Totoo po ma'am, sorry po talaga. Please last na po ito." pagmamakaawa ko pa, pero umiling ito at sumenyas na lumabas ako.

"You are absent!"

"Pero, ma'am Lopez!" pag-alma ko sa kaniya, tinaasan niya ako ng kilay she even crosses arms, sumaldal sa lamesa niya at cool na tiningnan ako. Kahit kinakabahan sa mga sasabihin niya sa akin at medyo nahihiya na rin ako, ay hindi ko maiwasan na titigan siya, ang ganda kasi niya.

Napakagat labi ako nung, titigan niya rin ako. "Fine, tatanggapin kita sa klase ko, but in one condition, you will be the one who will discuss our lesson for today, kasi sayang naman ang puyat mo, at tanghali ka na nagising, dahil ang mga ganyang reason sa isang student ay para sa mga nag-aaral talaga ng mabuti, right?" sabi niya na mas nagpakaba sa akin, she was obviously mocking me.

You Again, Professor  [GL• #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon