CHAPTER 34

2.5K 78 30
                                        

Apo siya ng General?

Nakurap ako ng tatlong beses at nilingon si Vel sa likod na humahabol sa amin sa paglalakad dahil medyo nauuna kami nung babaeng pulis sa hallway patungo sa visiting area.

Parang bawat araw na kasama ko ang judge na 'to ay may bago rin akong nalalaman sa kaniya na ikinabibigla ng buong sistema ko. Hindi halata sa kaniya na apo siya ng isang General, although mukha rin naman siyang magalang.

Maya maya ay narating namin ang area kung saan puwede kong makausap si Daddy, iniwan na rin kami nung pulis dahil may iba namang nagbabantay dito.

Nakaupo ako sa isang lamesa at tumabi naman sa akin si Vel, nilingon ko siya habang inilalabas niya isa-isa ang mga pagkain at ilang grocery mula sa loob nung bag. Inihiwalay niya lang at mas pinatas ng maayos.

"Apo ka pala ng General?!" panimula ko.

She stopped and looked at me. "Oo? Bakit ayaw mo ba?" tanong niya sabay tawa.

"Tangek mo naman!" umirap ako sa kaniya. "Nagulat lang ako, kasi bakit hindi ko alam..."


"You didn't ask me, 'tsaka, ano naman kung apo ako? Anong nakakagulat dun?"

"Wala, nagulat lang ako..."

"Paanong gulat?"

Inirapan ko siya. Hindi na rin kami nagsalita pa at maya maya ay bumukas ang pinto, nung tanawin ko 'yon ay nakita ko si Daddy, kasunod ang dalawang pulis, inalis muna nila ang handcuffs niya bago tuluyang pinalapit sa amin.

Agad akong tumayo at niyakap siya.

"Daddy!"

He hugged me back. "How are you my dear?" tanong niya at mas mahigpit niya akong niyakap.

"Miss na miss na po kita!" naluluhang sabi ko at lumayo ng kaonti mula sa pagkakayakap namin.

Nung titigan ko si Daddy ay sobrang laki ng ikinapayat niya, maitim din ang ilalim ng kaniyang mata, at maraming mosquito bites sa kaniyang braso at leeg, namumula 'yon.

"Mabuti at nakadalaw ka sa akin, anak..." nanginginig ang boses niyang sabi, nilingon niya si Vel na nakatayo rin sa gilid. "Judge Martini? Nandito ka ulit?" hindi makapaniwalang tanong ni Daddy at niyakap din siya.

Wait, what?

"Anong ulit?" takang tanong ko.

"Opo, sinamahan ko po si Chan, Dad..." malumanay na sagot niya. Hindi ko na lang pinansin kung pa'no niya tawagin ang tatay ko. "Nagdala po kami ng supplies niyo, and other necessities..." dagdag pa ni Vel.


Masayang tiningnan ni Daddy 'yon. "Hindi pa ubos 'yung last na binigay mo sa akin, pero thank you sa dala niyo, mga anak..."

"Welcome po, Dy..." ngiting ngiti na sabi ni Vel.

Napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang sarili na maluha. Hindi deserve ni Daddy na makulong at lalong hindi niya deserve na mag-suffer dito, nasasaktan ako para sa situation niya na hindi naman niya deserve.


Nung umupo kami ay hindi halos ako makapagsalita dahil konti na lang ay iiyak na ako, mabuti at si Vel ang sumasalo nung mga salitang dapat ay sa akin nagmumula.

My hands are shaking, and I couldn't even swallow my own saliva while I'm looking at my father. I feel so hurt for him. Lalo na nung malaman kong hindi siya pumupuntahan ni Mommy. Mas lalo akong nagalit sa kanya.

You Again, Professor  [GL• #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon