CHAPTER 39

2.5K 60 7
                                        

Chan's POV



The blinding light from the ceiling was the first thing na nakita ko as I slowly regained my consciousness. When I completely open my eyes. I  tried to move my hand and noticed various medical apparatus attached to me. At first, I was confused—bakit nga ba ako narito sa hospital? But then, it all came rushing back. I remembered what had happened. 

A box of jellyfish stung me. I thought mamatay na ako. I guess hindi ko pa naman oras and this was my second life. Thank you, Lord!

Tiningnan ko ang nasa tabi ko. And I saw my mom, next to me, she was sleeping. Sa kabila naman ay si Nanay Abeng. Inalis ko ang nakalagay sa ilong at umupo.

"Honey?!" sigaw ni Vel.

Nilingon ko siya at naroon pala sa may sofa. Halatang kagigising lang din niya. Naniningkit ang mata nito habang palapit sa akin. Inayos niya rin ang mahaba at medyo magulo niyang buhok. Kahit sabog siya ay ang ganda pa rin.

"Hey, you're awake?" she softly said.

I glared at her. "Ay hindi pa siguro...nagha-hallucinate ka lang, pre!"

"I miss you, Honey—I'm really sorry, okay? Please forgive, sana ako na lang ang na-jellyfish!" she dramatically said.  Vel moved closer and hugged me. Niyakap ko rin siya pabalik. Sobrang higpit ng yakap niya.

"Okay na rin ako..." mahinang sagot ko.

"Chan..." boses 'yon ni Mommy kaya nilingon ko rin siya sa tabi ko.

Umalis si Vel at si Mommy naman ang pumalit sa kaniya. Hindi pa sana ako sasagot pero niyakap niya rin ako. "I'm sorry, anak..."

Hindi ko alam kung handa na ba akong patawarin siya? Pakiramdam ko may galit pa rin ako sa puso ko. Hindi 'yon basta bastang naalis ng isang mahabang tulog lang, para isipin niya na okay na ulit kami? Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga salitang sinabi niya.

Nanigas lang ako sa kama habang yakap niya. "Please...Chan, umuwi ka na sa atin?" pakiusap ni Mommy. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mata. Nangungusap ang mga mata niya.

I bit my lower lip. Nanghihina ako sa ganon, pero masakit pa rin sa akin ang nagawa niya.

Napalunok din ako ng ilang beses. "Si Daddy?" tanong ko at umiwas ng tingin kay Mommy. Si Vel na ngayon ang aking tinitingnan. May hawak siyang isang baso ng tubig at inabot sa akin. "Nadalaw mo ba si Daddy?" ulit na tanong ko kay Vel pero hindi pa rin siya sumasagot.

Narinig ko ang biglang paghikbi ni Mommy.

"Uminom ka muna ng tubig, Chan..." biglang sabi ni Nanay Abeng nung magising din siya.

I could feel the sudden changes in the atmosphere. Bigla rin bumagsak ang balikat ni Vel while looking at me blankly. Hindi maganda ang nararamdaman ko ngayon. It feels like may bagay akong kailangang malaman mula sa kanila. Sumulyap ako sa bawat isa sa kanila at aninimbang ang tingin nila sa akin.

"Vel, si Daddy?" ulit ko pa matapos makainom.

She took a deep breath. "After this pupunta tayo sa," hindi niya naituloy ang sasabihin. "Magpahinga ka na lang muna ulit. We will discuss about it later—" I cut her.

"Why? Bakit hindi na lang ngayon? Tell me, kumusta si Daddy—while I'm laying here? Nadalaw mo ba siya?" sunod sunod kong tanong. She still hasn't told me anything.

"Vel naman?" ulit ko pa.

She shook her head. "Later, Honey... tawagin ko lang ang doctor mo." tumayo siya pero nahinto rin nung hinawakan ko ang kamay niya bago umalis. "Yeah... he's fine... please magpahinga ka pa muna." tipid na sagot niya at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

You Again, Professor  [GL• #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon