Chapter 13

2.5K 76 26
                                        

I woke up in the middle of the night because of my dry throat. Sobrang sakit at hindi ako makatulog ng maayos. Bumangon ako para bumaba at kumuha ng warm water sa kitchen.

Nung nasa may hallway na ako pabalik na sana sa kuwarto  nang marinig ko ang pagtatalo nila Mommy and Daddy. Sandali akong nahinto sa paglalakad nang matapat ako sa room nila Daddy.

"Can't you see it? You put yourself into this mess, Ignacio!" my Mom shouted.

"Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng batang iyon, Cindy!" sigaw din pabalik ni Daddy. "Ginawa ko lang ang sa tingin kong makakatulong." He added.

"Kaya pala ikaw ang nag-isip at plano kung paano malilinis ang pangalan ng senador at doktor na iyon! Hindi makatarungan iyon, Ignacio!" nang gagalaiting sigaw ni Mommy.

Napatakim ako sa bibig mula sa narinig. Hindi ko inaasahan na may mas mabigat pa palang ginawa si Daddy. Bigla akong natakot dahil doon.

"I have my reasons why I did all those things, Cindy!" pagdadahilan ni Daddy.

Nanginginig ang tuhod ko habang nakikinig sa labas ng pinto nila. Lumakas din ang tibog ng puso ko at medyo nahihirapang makahinga. Siguro ay dahil sa sobrang dami kong nainom na caffeine kaya ako nagpa-palpitate ngayon.

It made me even more curious kung ano ang kaso na iyon?

"Yeah, I get it! Dahil sa pera kaya mo iyon ginawa, Ignacio!" sigaw muli ni Mommy, may narinig akong nabasag kaya sa tingin ko ay binato niya ng kung anong bagay si Daddy.

Ano ba ang totoong nangyari sa kasong hinawakan ni Daddy? Bakit ganon nalang kung magalit si Mommy? Sa dami ng mga criminal na prinotektahan ni Daddy ay sa senador na iyon siya galit na galit, gaano kaya kalalim ang pagkakaibigan ni Mommy at nung Northia niya iyon? Para mag-away sila lagi dahil doon?

"You know how much I hated that woman!" biglang pambawi ni Daddy.

"Kaya gumanti ka sa anak niya? Are you out of your mind?! Matagal nang nangyari iyon, wala na si Northia, Ignacio!" sigaw ni Mommy, ramdam ko ang sakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "Napakasama mong tao!" my mom added.

"Naging masama ako, because of you!"

"And now you're blaming me? Kung ano man ang meron noon ay tapos na, pero ikaw itong hindi pa maka-usad sa nangyari!" may hinabakit na sabi ni Mommy.

Parang ako ang nasasaktan habang umiiyak si Mommy, pakiramdam ko ay may mabigat na nakadagaan sa dibdib ko. Hindi ko kaya na mag-aaway sila, dahil sobra akong nasasaktan.

Tahimik at pigil ang bawat hikbi ko habang nakikinig sa kanilang pagtatalo. Napaupo na rin ako sa labas ng pinto nila, at marahas na pina-pawi ang bawat mainit na luha sa pisnge ko.

"They are ready to reopen the case, Ignacio! And if it's proven that you were indeed responsible for that accident, even if you were just indirectly involved, you will still go to jail! You need to realize how serious this is. This isn't something you can ignore or brush off! You’re not thinking at all!" sigaw ni Mommy kay Daddy.

"At sa tingin mo ba, hahayaan ko na mangyari iyon? Nasa kamay ko ang batas, Cindy! Isang beses ko nang naipanalo ang kaso," nang gigil na saad ni Daddy kay mommy.

"And you know how dedicated that woman is? Handa siyang gawin lahat, Ignacio!"

"Wala akong pakealam kahit sino pa iyon, ang mahalaga ay may proteksyon tayo ng senador, hanggat malakas ang kapit natin sa batas, ay hindi sila mananalo!"

Hindi ko na gusto ang mga naririnig ko sa usapan nila kaya pinilit ko ang tumayo at bumalik nalang sa kuwarto ko, ipinagpatuloy ang pag-iyak hanggang sa makatulog.

You Again, Professor  [GL• #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon