I didn't know kung papaano ako nakauwi after nung chaotic na nangyari sa bahay ni Ma'am Lopez. A mix of embarrassment and anger dahil sa mga pinag daanan ko ma-iabot lang iyong lintek na brown envelope. Muntik pa ako maging pagkain nung mga German shepherd niya.
Gaya nung amo nung mga aso, hindi rin sila mabait. Halatang may pinagmanahan.
Just an ordinary Monday, tatlo agad ang klase ko, kaya unang araw palang ng isang linggo parang biyernes na agad sa sobrang pagod ko. Pakiramdam ko binubuhat ko ang buong mundo dahil sa pagod.
Nauna akong lumabas kay Saji dahil may review pa siyang pupuntahan para sa competition niya.
"Chan!"
Lumingon ako nung tinawag ako ni Nicole. Same class pala ulit kami, hindi kami magkatabi sa upuan kaya hindi ko agad siya napansin, o talagang lutang ako buong period.
"Oh, hi Nicks!" bati ko rin sa kaniya habang inaayos iyong bag ko at libro.
"I'm sorry pala sa nangyari kahapon," panimula niya habang patuloy pa rin kaming naglalakad.
"Ah, muntik lang naman ako malapa nung aso ni Ma'am Lopez, okay lang talaga." I sarcastically said kaya napanguso siya, siguro ay nagu-guilty siya sa sinapit ko sa kamay nung pinsan nya.
"Sorry, I am not really feeling well eh, ate Isla told me what happened, she seems bothered about it, kasi nahulog ka raw sa bakod." pagkukwento niya kaya natawa naman ako.
"Oo nga eh, lintek na doorbell nya, hindi pala gumagana. No choice ako, ayon inakyat ko ang bakod niya, mabuti at may helmet akong suot, kaya buhay pa ako hanggang ngayon, tapos napagkamalan niya pa akong magnanakaw, eh ang ganda ko namang magnanakaw nyan." masama ang loob na pagkukwento ko sa kaniya, sana makarating sa ate niya kung gaano kasama ang loob ko.
"Sorry talaga, Chan."
"Okay lang, tapos na rin 'yon, tsaka si Ma'am Lopez, siya dapat ang mag-sorry sa akin, muntik na kaya ako malapa nung mga aso niya."
Nicole laughed at me. "Hindi magso-sorry iyon, she's too ma-pride."
"Halata nga, bukod sa sama ng loob, siguro pinaglihi rin si Ma'am Lopez sa isdang bato." pagbibiro ko kay Nicole, tumawa lang ito.
"Anyways, we have a short meeting pala ngayon sa club." pag-iiba niya ng usapan namin.
"May klase pa ako mamayang three PM, anong oras ba iyong meeting natin?"
"Ngayong lunch na, doon ka nalang din kumain, may ordered food naman doon every meeting, sponsored by me." she said and chuckled.
"Ah, edi ayos 'yan, hindi ako mapapagastos." masayang sabi ko.
"Mukha ka talagang pagkain 'no?" hirap na hirap na pagsasalita niya ng tagalog.
"Nicks," sabi ko sa pangalan niya at inakbayan pa siya. "Food is life, it's my everything, okay?" nakangisi kong sabi sa kaniya, pinisil pa ang kaniyang balikat kaya medyo nagulat siya.
"Whatever, Chan." she rolled her eyes at marahang inalis ang kamay ko sa balikat niya, mukhang nailang pa siya dahil sa ginawa ko.
I'm too clingy kasi, tsk!
"Nicks, andun ba si Yashiegirl?" pambawi ko sa awkward na nangyari.
Kunot noo niya akong tiningnan sa mga mata. "You mean si Yashna Valemont?"
"Oo nga, sino pa bang tinatawag kong Yashiegirl bukod sa kanya?" pilosopo ko ring sagot.
"Tsk, of course she will be there, duh!" seryosong sagot niya sa akin at iniwas na ang tingin. "I could feel that you are quite interested in her, I just noticed it lately." makahulugang sabi niya.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)