"Okay, that's all for today. Mag-update nalang kami sa inyo, for our last rehearsal!"
Anunsyo sa amin nung bakla na nagsasanay sa amin para sa gaganapin na contest. Sa susunod na linggo na rin kasi iyon, kaya puspusan na ang aming paghahanda, ang hindi nalamang namin naisasama ay ang sa talent at bikini, na ayaw ko pa mandin sana gawin, pero I don't have a choice.
Bumaba ako sa stage, nung makababa ay nakita ko agad si Yashie, nakangiti ito sa akin, at inabutan ako ng bottled water. "You're outstanding among the ladies, Chan."
Ngumuso ako sabay kuha nung tubig sa kaniya. "Talaga? Baka maniwala ako niyan ha."
"It's true, you really meet modeling standards. Why don't you give it a try?" she said with a hint of encouragement in her voice. It sounded more like a gentle nudge, as if she truly believed I should pursue it. For a moment, I considered the idea, but quickly dismissed it, shaking my head firmly.
"Model ng patis?" tanong ko naman at ininom iyong tubig, tumawa lang si Yashie at umirap.
Modeling just wasn't something I saw myself doing, no matter how convincing her suggestion was.
"Baliw ka talaga." mahina niya akong hinampas. "Anyway, let's eat, my treat." pag-iiba niya sa usapan, medyo nagulat pa ako nung punasan niya ang chin ko na may konting tubig.
"Saan?" marahan kong inalis ang kamay niya sa akin.
"Anywhere you want,"
"Talaga, anywhere?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.
"Oo nga, tsaka ilang araw na rin tayo na hindi nagkakasama, I miss you." sabi niya at hinila ang braso ko para yakapin.
"Weh? Ako nami-miss mo? Bakit? Inlove ka na ba sa akin?" pang-aasar ko sa kaniya.
She hugged my arm even tighter and said to me, "You're not hard to love naman. Besides, what's wrong if I fall in love with you? It's not like the world would be against it." malumanay na wika niya. "And we're both single." she added.
Sandali naman akong napatulala lang sa kaniya dahil sa narinig, hindi alam ang sasabihin. I tried not to look awkward in front of her, kaya ngumiti nalang ako bilang sagot sa kaniya.
Pakiramdam ko hindi tama na dapat mahalin niya ako. Siguro nung una ay may parte sa akin, na interested talaga sa kaniya, hanggang doon nalang siguro 'yon, at pakiramdam ko may iba sa amin, meron sa dibdib ko ang nagsasabi na hindi dapat pero ayaw ko rin naman ito pigilan.
I'm confused.
Matapos ko na mailigpit ang mga gamit ay lumabas na kami ng gym. Si Yashie ay nakahawak sa braso ko habang naglalakad kami, may mga sinasabi rin siya at tanging verbal cues lang ang nasasagot ko sa kaniya.
What's wrong with me?
Bakit pakiramdam ko, hindi tama na sobrang close namin ni Yashie, kahit na nung una ay ako naman ang nag-i-insist na lumapit sa kaniya.
"Hey, Chan!" tawag niya sa akin, kaya natauhan ako.
"Bakit?"
"Are you with me ba?" tanong niya, sandali kami na huminto sa hallway. "Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" she worriedly asked at idinampi pa ang palad sa leeg at noo ko.
"Yeah, I'm fine. May iniisip lang po." sabi ko at tipid nalang na ngumiti sa kaniya.
"I'm asking pala, kung ano iyong pares?"
"Huh?" nagtataka ko ring tanong.
"Anong 'huh'?? You said masarap iyon, kakasabi mo lang." naguguluhan din niyang sabi.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)