"Hey, Chan. Don't be nervous, okay?"
Nilingon ko si Nicole nung magsalita ito mula sa gilid ko. She was wearing a black polo shirt, may suot din siyang headset mic, may dala ring papers. She is one of the organizers, para sa event ngayon kaya ganiyan ang outfit niya.
"Of course, hindi naman ako kinakabahan." sabi ko at tipid na ngumiti sa kaniya.
After a few days of our practice finally ay nangyari na rin ang pinaka hinihintay ng lahat, maliban sa akin dahil hindi naman ako excited, which is ang founding anniversary ng Pendleton University of the South. Lahat ay abala pero kaming mga contestants, mula buong umaga ng event ay nasa auditorium lamang para mag recall ng positioning and blockings.
Hindi ko tuloy napanood ang ibang school activities, dahil na stuck na kami rito.
Maya maya ay dumating si Saji at Luke, kaya tumaas ang kilay ko sa dalawa. "Anong ginagawa niyo rito?" I mouthed.
Lumapit din ako sa kanila, para hindi gaanong nakakaagaw pansin ang presence nila sa likod ng auditorium kung nasaan kami. Dahil baka bigla silang palabasin nung mga baklang nag-instruct sa amin.
"We're here to check on you, kung nahimatay ka na ba sa kaba, pero mukhang hindi naman." mapang-asar na sabi ni Luke, kaya inirapan ko siya.
Maging si Nicole ay lumapit din sa gawi namin. "Wala ba kayong sinalihan?" tanong niya sa dalawa, pertaining to the activities.
"Quiz bee duo, kakatapos lang." tipid na sagot ni Luke. "Hulaan mo pang ilan kami?"
"Malamang first?" sagot ko naman. Dahil obvious naman na kapag si Saji ang kasama sa quiz ay mananalo agad sila.
"Unfortunately not." tipid na sagot ni Saji, kaya tumawa si Luke, nagulat kami ni Nicole.
"Huh, bakit?"
"Eh, pa'no ba naman 'yung basic question lang, ginawang complicated ni Saji, kaya second place kami." natatawang sabi ni Luke, nakahawak pa sa tiyan habang tumatawa.
"I got confused." simpleng sagot ni Saji.
"Like one plus one lang 'yung tanong, edi two iyong sagot 'di ba? Gagi, sinagot ba naman niya, Ob-ten." sabi ni Luke at hindi na maawat ang tawa.
"Huh, bakit?" maging ako ay natatawa na rin.
"I thought it was binary math, hindi ko alam. Sabi kasi nila general knowledge, hindi ko naman alam na pang grade one." inis na sabi ni Saji.
"Tapos gagi, may solution pa talaga siya." sabi ni Luke at hindi na maawat sa pagtawa.
"Shut up, Saavedra!" inis na sabi ni Saji at hinampas si Luke.
"Iba talaga ang mga genius." dagdag pa ni Luke.
Saji turned to me. "Anyway, Chan. Are you sure, ikaw ang kakanta mamaya?" tanong ni Saji sa akin pag-iiba sa kwento.
Tumango naman ako. "Yeah, of course. Tsaka nag practice naman na tayo ng maayos, okay na 'yun." ngumiti ako sa kaniya.
"Hoy, galingan mo ah, nakipag pustaan ako na ikaw mananalo." sabi ni Luke at mahina pa akong hinampas.
"Ayoko nga, tsaka chill nga lang ako. No choice lang naman ang club namin kaya ako ang isinali ni Nicole." sabi ko kaya bigla akong nilingon ni Nicole.
"Hoy, that's not true kaya!" bahagya niyang ibinaba ang mic na hawak.
"Basta galingan mo, Chan." nakangiting sabi ni Luke sa akin.
"Baka manalo ako, kawawa naman mga kalaban nyan." mayabang na sabi ko kaya umirap si Saji.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)