Two days after nung contest ay hindi pa rin humupa ang petition ng ilang mga nakapanood dahil mas deserving nga raw ako kesa doon sa nanalo. Hindi ko rin naman pinipilit na sabihin sa kanilang ayos lang kahit first runner up ako.
One week halos ang celebration ng founding anniversary, pero ang ilan ay nagsimula na ang klase, masyado na rin kasing nag-focus nalang sa event at nakalimutan na nila ang lessons.
Kakatapos lang ng klase ko kay Ma'am Salvacion, nung maka receive ako ng message na may mahalaga kaming meeting sa Club, kaya agad akong lumabas ng classroom at nagtungo roon.
Nung mabuksan ko ang pinto ay nagulat ako dahil biglang may pumutok na party poppers, at ang mga kasama ko ay sabay sabay na sumigaw.
"CONGRATULATIONS CHANTY!!!"
Napatabon ako sa bibig dahil sa gulat. Lahat sila ay nakatingin sa akin, at malalaki ang ngiti. Nakita ko rin si Nicole na may hawak pang cake.
"Luh, parang birthday ko lang!" iyan nalang ang nasabi ko dahil sa overwhelmed at gulat na rin.
Lumapit silang lahat sa akin.
"Even though hindi ka winner, we're still thankful dahil nagbigay ka pa rin ng karangalan sa Club natin, Chan." sabi ni Lucas.
"And thank you for making our club popular, marami na tuloy ang gustong sumali ngayon, because of you. Natuwa sila sa'yo." Paraquel said.
"Guys, thank you din. Ayaw ko maging cringe pero, dahil sa inyo na naranasan ko na ganon pala ang feeling sumali sa pageant,"
"Hindi halatang first time iyon." the half chinese guy said, katabi siya ni Nicole.
"I agree sa sinabi ni Zin." wika ni Lucas.
"Here's your cake, ngalay na ako!" reklamo ni Nicole kaya agad ko namang kinuha iyon sa kamay niya.
"Sino kasi nagsabing bitbitin mo 'yan?!" Lucas said at umiling kay Nicole.
"Si Paraquel, tsk!" inirapan ni Nicole si Quel.
"Sorry naman, Nicks."
"Anyways, guys. May important announcement pala kami para sa inyong lahat!" bigla ay sabi ni Tan, kaya ang lahat ay nasa kaniya ang atensyon.
Nasa may harap kaming lahat at nakapalibot sila sa akin kaya naman kitang kita kaming pito. Si Yashie ay nasa tabi ni Quel, at nakangiti lang sa akin, nagtataka ako kung bakit hindi siya lumalapit sa akin, pero ipinagsawalang bahala ko muna iyon at nakinig nalang sa announcement.
Pakiramdam ko rin ay pilit lang ang saya na ipinapakita niya ngayon, and based on her expression there is something deeper thing that I must need to know.
"Meron pala tayong gaganapin na outreach program sa isang araw, luckily isa tayo sa tatlong Club na pinili nila, kaya doon sa mga volunteers at may free time, especially first years ang kailangan namin dito, pero hindi namin inu-obliga ang lahat na sumama." paliwanag ni Quel.
"And to all volunteers, na gustong sumama, magpalista lamang kayo sa ating pinaka magandang boss na si Nicky" nakangiting sabi ni Tan kaya si Nicole naman ay inirapan siya.
"Provided na ng PUS ang lahat, but not your own necessities, like clothes, personal hygienes." nahinto ito sandali. "And caution, dahil magiging extra thrilling ang mangyayari because, tatawid lang naman us ng tatlong ilog like above the knees I guess? We will walk a long trail like about one kilometer, before tayo umakyat sa bundok, make sure na may mga extra water and sweets sa pocket niyo in case maubusan ng energy." sandali siyang huminto at tumingin kay Quel para alalahanin ang iba pang sasabihin.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)