Kanina niya pa talaga ipinagpipilitan ang cactus niyang maliit na bilog, maayos naman ito pero hindi ko talaga gusto at hindi ko rin hilig ang kahit anong uri ng cactus.
"Ayaw ko po, hindi ko rin gusto 'yan, Ma'am!" umiling ako.
"Bakit? Isn't it cute ba?" tanong niya at tiningnan ang dala niyang cactus. "Tanim ko pa naman 'to, you don't like it pala." she said a bit dismayed from what I've just told her.
Bumaling din ako sa cactus niya. "Okay fine, akin na nga!" bigla kong kinuha 'yon sa kamay niya at inilagay sa gilid malapit sa gate. "Thank you ah!" sarcasm kong sabi sabay irap sa kaniya.
Sana first and last na cactus na 'yon!
"Welcome," ngumiti siya kaya nakita ko na naman ang dimple niya. "Anyways, papasok ka na?" tanong niya at sinulyapan ang motor ko.
"Hmm." tumango ako.
"Hatid na kita!" alok niya, ngumiti ito at inilagay ang kamay sa likod.
Is she actually serious?
Nanatili pa rin ang tingin ko sa kaniya. "No!" humakhang ako palapit sa motor pero inunahan niya ako. She blocked my way. "Alis dyan!" sigaw ko at marahan siyang itinulak.
She ignored me. "Ganda ng cafe racer mo..." hinawakan niya pa talaga ang manibela at ang upuan. "Puwede pa angkas?" tanong niya na mas nagpasama sa itsura ko.
"No,"
Gosh, I can't believe this woman?!
" What is wrong with you ba?" inis kong tanong pa rin.
"A-angkas lang e,"
"Adik ka talaga no?" tanong ko at sinamaan ulit siya ng tingin.
She looks at me, a bit surprised from what I've said. "Hindi naman ah, bait ko nga e." umiling siya at muling tiningnan ang motor ko.
"May pasok pa po ako, kapag ako na late!" sigaw ko sa kaniya, medyo umalis din siya kaya nakalapit ako sa aking motor. But when I noticed my keys were missing, agad ko siyang tiningnan. "Kinuha mo susi ko?!" inis kong tanong.
Tumawa siya at itinaas ang susi ko, nasa kamay niya 'yon. "Yes, kaya sa akin ka na sumakay, ihahatid nga kita!" natatawang sabi niya at lumakad palapit sa porsche car niya.
Napapikit ako ng mariin. "Akin na susi ko sabi!" sigaw ko dahil medyo napipikon na rin sa kakulitan niya.
"No, sumakay ka na kasi sa akin, ihahatid kita sa school mo!" pamimilit niya, mukhang wala talaga balak ibalik sa akin ang susi ko.
Bumuntong hininga ako at inis na lumapit sa kaniya. "Okay fine!" padabog kong binuksan ang sasakyan niya. "Sa Pendleton University of the South, baka kung saan mo ako dalhin." inis na sabi ko sa kaniya.
"Of course I knew it, honey." she sweetly said at pumasok na rin sa loob, sumunod ako at pabagsak na isinara ang pinto.
"Stalker!" pagbibintang ko sa kanya.
"Hindi kaya, nabasa ko lang talaga sa files at ayon basta," pagdadahilan niya rin, as if maniniwala ako doon. She probably stalks me.
Nakakapikon ang isang ito, napakulit niya, at ang kapal din ng mukha niyang pilitin akong sumakay sa sasakyan niya. Kapag ako talaga na late, isusumpa ko buong pagkatao niya.
"Hey, don't look at me like that!" sabi niya. "You're scaring me, honey..."
"Namimilit ka kasi, kidnapping kaya 'to!" reklamo ko sa kaniya. I heard her giggle.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)