Chapter 21

299 16 6
                                    

Nag-uusap si Ma'am Lopez at ang mga tauhan niya, may dala siyang blue print at may kung anong itinuturo sa isang lalaki na naka white hardhat din, sa palagay ko ay engineer din ito.

Seryoso si ma'am Lopez na nakikinig sa mga sinasabi ng mga tauhan niya. Ngayon ko lang mas na realize na ibang iba siya kumpara sa professor na nakilala ko sa PUS,  hindi kasi siya masungit, at distant sa mga trabahador niya, hindi gaya kung paano siya sa university.

Tahimik lamang ako habang nakaupo sa isang tabi nung may isang Manong ang tumabi sa akin, he was wearing a yellow hardhat, kaya sa palagay ko ay isa itong foreman? Hindi ako sigurado.

"Ngayon lamang ulit nagdala ng estudyante nya si Engineer sa mga construction site, nakakapanibago." panimula niya nung makaupo sa tabi ko.

Kung ganon ay matagal na siguro niyang katrabaho si Ma'am Lopez? Para masabi niya ang bagay na iyan. Pero what? Ako palang ulit? Sino kaya iyong nauna sa akin? Bigla tuloy akong na curious.

"Gaano katagal na po kayo nagtatrabaho sa team ni Ma'am Lopez?" tanong ko sa kaniya, habang nasa gawi pa rin ni Ma'am ang aking tingin.

"Matagal na akong tauhan ng mga Lopez, binata palamang ako ay nagtatrabaho na ako sa kanila, halos na subaybayan ko na nga ang bawat miyembro ng pamilya nila. Talagang maayos sila sa mga tauhan, wala manlang kapuna-puna sa kanila, lahat ay marunong makisama."

Nilingon ko ang Manongi na nasa forty plus na siguro. "Kung ganon po ay sa isang company kayo lahat galing? Sa mga Lopez po?" tanong ko naman na may curiosity sa kaniya.

Ngumiti ang Manong na ito at tumango sa akin. "Oo, at bawat tauhan nila ay tapat talaga sa kanila, dahil marunong din talaga sila na makipag-kapwa tao, ang ama nga niyan ni Engineer, naku kung nabubuhay pa iyon, napaka buting tao, ang totoo niyan ay malaki ang naitulong ng pamilya niya sa amin lalo na si Engineer Lavina, napaka laki ng utang na loob namin sa kabutihan niya," pagkukwento niya.

Medyo nagulat ako nung marinig na wala na pala ang tatay ni Ma'am Lopez. "Hindi po, makwento si Ma'am Lopez sa mga estudyante niya, and she's too cold din po sa amin, kaya siguro ganon siya ay dahil nalulungkot siya, hindi po ba?"

Umiling ang lalaki sa akin. "Naku, hija. Baka ganon lang talaga si Engineer, pero mabait talaga iyan, seryoso nga lang siya sa buhay, ngunit madalas ay nakikipagbiruan din siya sa amin, siguro ay sa mga estudyante nya lang talaga siya mukhang masungit," nakangising sabi niya.

"Ay, oo nga po, masungit iyan, lalo na sa akin."

"Masanay ka na hija," sabi niya at tinapik ako sa balikat. "Ikaw ga ay engineering din?"

"Hindi po, architecture po."

"Tama iyan, kapag nakapagtapos ka na ay sa kompanya ka nila Engineer magtrabaho, paniguradong matanggap ka agad sa kanila." he suggested pero umiling lang ako.

"Malalaman pa po, kung makaka graduate." pagbibiro ko na ikinatawa naman niya.

"Naku, sikapin mo na makapagtapos, mahirap ang buhay, at isa pa huwag ka muna mag nobyo," bilin niya sa akin, kaya natawa naman ako.

"Wala naman po, nobya lang siguro?" nakangiti kong sabi at tumawa lang si Manong.

Maya maya ay lumapit sa gawi namin si Ma'am Lopez, she was folding the blue print while walking towards me. "Hey, you okay?" tanong niya sa akin. "Gusto mo tubig?" dagdag niya pa.

"Huh? Opo ayos lang po, at hindi naman po ako nauuhaw." natataranta kong sagot sa kaniya.

"Good," tumango siya sa akin at nilingon ang katabi ko. "Kuya Berto, nakausap ko na si Engineer Cruz, he agreed sa proposal plan natin, and by next week we will buy new materials again, kapag dumating na si Architect Cabrera." pagsasalita ni Ma'am sa lalaking katabi ko, malumanay ang bawat salita niya at sinusubukan niya rin na magsalita ng deretsong tagalog.

You Again, Professor  [GL• #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon