After class namin kay ma'am Lopez, ay isang kaginhawahan sa aking dibdib. Hindi nya rin ako halos pinag-iinitan sa mga recitation namin, unlike noong mga nakaraang linggo na dumaan.
Pero nagtataka lang ako sa kaniya, dahil kung minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, pero kung ngi-ngiti naman ako ay iniwas niya na ang tingin sa akin. She's a weirdo.
"Chan, maiwan na kita ha. I'm really in a hurry eh, baka ma-late na me sa appointment ni Doc." pagpapa-alam sa akin ni Yashiegirl. Sabay kaming lumabas ng room matapos ang huling klase namin, sinamahan niya rin ako hanggang sa may parking lot.
"Gagi, okay lang. Ingat ka rin ah, ayaw ko may mangyari sa'yo gusto ko sa atin lang." mapang-asar kong sabi sa kaniya.
"Whatever, Chan."
"Pa-check mo ng maayos mata mo, baka ma-diagnosed ni Doc na may pagtingin ka na rin sa akin." mapang-asar kong wika kaya medyo sinuntok niya na ako ng mahina.
"Puro ka biro," she rolled her eyes at me, she unbuttoned her varsity jacket, kaya kita ko ang suot niyang white top sa loob, ganda ng body niya. "Take care, baka may mabangga ka, ang bait mo pa naman." pang-aasar niya rin sa akin.
"Sa akin talaga sila mag-iingat, Yashiegirl." kumindat ako sa kaniya sabay pina-andar ko na rin ang motor ko, kaya medyo lumayo na siya.
"Message me, if nakauwi ka na." sigaw ni Yashiegirl at naglakad na palayo. Naiwan naman akong nakatulala at wala sa sariling ngumiti dahil sa sinabi niyang iyon.
Aalis na sana ako nung bigla ay may tumawag sa cellphone ko, kaya pinatay ko muna ang motor at sinagot si Nanay.
"Hello po, Nay?"
"Apo, nasaan ka ngayon?"
"Nasa puso mo." pang-aasar ko kay Nanay.
"Umayos ka ngang bata ka, Shan-ty!" pagalit na sabi niya.
"Nasa PUS pa po, bakit ho ba? May emergency ba sa bahay?" tanong ko rin sa kaniya. Inalis ko muna ang helmet dahil nahihirapan ako makipag-usap. Inayos ko ang magulo kong buhok gamit ang kaliwang kamay, dahil ang kanan ay nasa may tainga ko at hawak ang phone.
Tiningnan ko ang mukha sa mirror at napagtanto ko na ang ganda ko palang human being.
"Wala namang emergency, gusto ko sanang magpabili sa'yo ng vitamins ko, at iyong paborito kong biscuit, 'yung butter coconut." utos ni Nanay sa akin, sandali siyang huminto sa pagsasalita.
"Ibinaon 'ata ng pinsan mo iyong akin, kawawa naman." malumanay niyang sabi.
I suddenly realized na kay Nanay pala iyong kinuha kong biscuits na inakala kong kay Saji. "Nay, ako po kumuha nun, malapit na po kasing ma expired." natatawang sabi ko sa kaniya.
"Ba't mo kinain? Baka sumakit tiyan mo, naku ka talagang bata ka, kung malapit na mag-expire sana pinakain mo nalang sa isda ko." sermon ni Nanay, hindi ko alam kung concerned siya na kumain ako ng malapit ng mag-expired o concern niya ay iyong mga alaga niyang isda?
"Hindi naman po, hihihi."
"Oh, siya sige na, umuwi ka na, mag-iingat sa pagmamaneho, nag-iisa ka pa namang anak, god bless you!" sabi ni Nanay, hinintay ko munang ibaba niya ang tawag bago muling inayos ang helmet at isinuot.
Medyo padilim na rin kaya nagmadali na akong pumunta sa pinaka malapit na mercury drug para bumili nung mga sinabi niya. "Good evening, Ma'am." pinagbuksan ako nung guard na malaki ang tiyan, mukha siyang mabait dahil nakangiti siya sa akin, kaya gumanti rin ako ng ngiti sa kaniya, inabutan niya ako ng number at pang thirty two pa ako.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)