Naka ilang inom din siguro ako ng whiskey, dahil kay Luke at Nicole. May balak 'atang lasingin ako nung dalawa, kaya naman minabuti ko na ang umalis sa table namin at lumabas sa may pool area para magpahangin.
Medyo mainit din kasi sa dibdib ang whiskey na ininom ko, hindi rin ako sanay uminom dahil hindi naman ako madalas sa mga bar at hindi rin ako sadya umiinom dahil mapait ang alak.
At higit sa lahat bawal sa bata, and I'm still a baby.
Kahit na may tama na ako ay normal pa naman ang aking pag-iisip at nakakapaglakad pa naman ako ng maayos. Pumunta ako sa may gilid ng pool at sumandal sa may railings.
Huminga ako ng malalim at sa malawak nakaragatan naituon ang buong atensyon. Nung makita ko si Ma'am Lopez na nakatayo sa may seashore at nakatingin sa kawalan, nagulat ako sa kaniya.
Mukha kasi siyang multo doon. Itim na itim pa naman ang suot niya at ang tangkad niya rin, plus maliwanag din ang buwan kaya kitang kita siya, kumikinang din ang karagatan sa liwanag nito.
Sandali ko siyang pinagmasdan doon, at nakatayo lang talaga siya, mukhang malalim ang iniisip, naka tagilid siya kaya kitang kita ko ang maganda niyang side profile.
"Ano kayang iniisip ni Ma'am?" tanong ko sa sarili.
Dahil sa likas kong pagiging chismosa ay marahan akong bumaba sa wooden stairs, wala akong pake kung malagyan ng buhangin ang sneakers ko, ang mahalaga ay madamayan ko si Ma'am Lopez.
Baka kasi bigla nalang siyang lumangoy sa dagat, at magpalunod, sayang naman kung mamatay agad siya, hindi pa ako nakakaganti sa mga pang aaway niya sa akin.
Marahang dumadampi ang malamig na hangin sa aking balat, mas na amoy ko rin ang maalat na tubig ng karagatan, bawat hampas ng alon sa seshore ay tila musika na siyang nakakapag-bigay ng kakaibang pakiramdam sa akin habang palapit ako ng palapit kay ma'am Lopez.
Magaan ang bawat hakbang ko hanggang sa makalapit ako sa likuran ni Ma'am Lopez. "What are you doing here, brat?" panimulang tanong agad niya.
Teka pa'no niya nalaman na ako 'to?
"Hulaan mo po." pabiro kong saad sa kaniya at tinabihan siya. Ngayon ay mas malinaw ko nang nakikita ang maganda niyang side profile.
She was looking up at the moonlight. "You're bothering me, bumalik ka na doon sa hall." mataray na utos niya sa akin pero mas lalo lang akong lumapit sa kaniya.
"Bakit po, mag-isa kayo rito?"
"Why are you asking? Of course I'm alone, wala kasi akong kasama." pilosopo at mataray muli niyang sagot sa akin, bagay na ikinagulat ko.
"Luh, nahawa ka na po sa pagiging pilosopo ko ma'am ah." pabiro ko muling sinabi.
"Bumalik ka na sa loob, gusto kong mapag-isa."
"Ayaw ko po, boring po sa loob, and besides I want to accompany you, Ma'am. Mukha ka pong nalungkot." pagtanggi ko sa utos niya sa akin at tumingin din sa maliwanag na buwan, isang napakalamig na simoy ng hangin ang parehong yumakap sa amin.
"I don't need your presence, nakaka istorbo ka lang sa akin!" mataray na sabi niya at binalingan siya ng tingin.
"Kahit na ayaw niyo po akong kasama, ay gusto ko naman po rito, Ma'am." I firmly said.
"Why are you always so annoying, hardheaded, rude, and bratty towards me?!" she asked me irritably, her voice rising with frustration. "You're making me mad at you without even trying!" she added, her eyes narrowing as she glared at me.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)