I feel so numb and empty. Hindi halos makakilos...masakit din ang buong katawan ko, and my head hurts, parang mabibiyak na sa dalawa. Pakiramdam ko konti na lang ay tuluyan na akong hindi magigising.
How I wish na puwede ko na lang itulog lahat ng sakit at mga problema ko, tapos pagising ko okay na ulit ang lahat. Sana ganon kadali ang buhay, 'yung wala na akong sakit na mararamdaman at paghihirap na kailangan kong pagdaanan. How I wish puwede ko lang daanan ang lahat at hindi na tambayan, like what I'm always telling to Saji when she's struggling in her life. It really hits different pala kapag ako na mismo ang nakakaranas, hindi ko na alam ang magiging advice ko sa sarili ko.
All I could think was nothing, walang pumapasok na matinong salita at mga dapat kong gawin sa isip ko, sobrang sakit. All negatives are eating me, pero wala naman akong balak na kunin ang sariling buhay, it's not written in my vocabulary, pero it really hurts me, everything hurts me.
It's been three weeks, pero 'yung sakit sa puso ko ay naririto pa rin. Even in my dreams, I could clearly hear her shouting at me with anger, at kapag gigising na ako ay may luha sa aking pisngi. It's been repeating multiple times. Kung puwede lang huwag nang matulog para hindi ko na maalala ang lahat...but I know deep inside me, kahit na ganon siya sa akin, things didn't change at all, mahal ko pa rin siya.
Sa tuwing pumapasok nga ako sa university ay hinahanap ko pa rin ang presensya niya, at kung minsan na ako'y mapadaan sa office niya ay hinihiling ko na naroon siya.
I couldn't deny the fact that I am still hoping for her, kahit pa malinaw naman ang huling pag-uusap namin, although it's quite brutal and harsh, she told me na wala lang ang lahat...But my heart and soul says there's something else, kaya sobra akong nasasaktan, kasi umasa ako.
Sinusubukan ko rin na i-text siya kahit alam kong hindi naman siya magrereply, paulit-ulit ang mga mensahe na sine-send ko. I'm always telling her, that I am willing to wait for her to fully heal and give us a chance, even tho it's clearly impossible for us to be together. It's against all odds, and that was really sad.
I know that way mas lalo ko lang sinasaktan at pinapaasa ang sarili ko sa wala, but how can I move on from her? Lalo at wala namang label o kahit ano ang namagitan sa amin. The story hasn't started yet now...it was over.
Nagmamadali akong kumuha ng panibagong damit sa bahay nung wala si Mommy nang sa ganon ay hindi kami magkita. Sa ilang linggo rin na lumipas ay hindi ko pa rin siya pinapansin, I just can't talk to her knowing what she's up to, hindi rin siya naghanap ng mas magaling pang lawyer para kay Daddy, pinabayaan na niya lahat, at dahil doon mas lalo akong nainis sa kaniya.
Nung makakuha na ako ng sapat na gamit ay agad akong lumabas sa kuwarto, dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng ilang pagkain. I feel like a rat doing this, but it's the best way to avoid my mom.
Dumeretso ako sa motor at mabilis na tinungo ang bahay nila Luke, he wasn't there tanging ang pinsan niya lang na si Cruzette, naabutan ko ito sa salas at nagpapatugtog ng guitara niya.
"Oh, nakakuha ka na?" malalim na boses na tanong niya sa akin. She's always asking me that sa tuwing babalik ako galing sa amin.
"Oo, medyo marami rin, dalhin ko na lang 'to sa kusina." sabi ko sa kaniya habang hirap na hirap buhatin ang mga grocery na kinuha sa bahay.
Tumayo siya at ibinaba nag guitara. "Should I help you?"
Umiling ako. "Huwag na, okay lang."
"Oum, oh sige Chan, salamat!"
"Sure..." ngumiti ako sa kaniya at tinungo ang makipot nilang hallway. I'm used to it, noong una ay medyo nasikipan pa ako sa bahay nila pero noong huli ay mas okay pala ang maliit na bahay kumpara sa malaki dahil palaging nagkikita.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)