Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nung makita si Yashie na papalapit sa akin. Naka suot din ito nung kulay itim na crop top, kaya couple na couple ang dating namin ngayon. May leather jacket nya lang ako dahil mainit kapag nagmotor ako pa-uwi.
It's Sunday, nagsimba muna ako bago inaya lumabas si Yashie, ilang araw ko na rin kasi siyang hindi nakita at nami-miss ko ang presence niya sa buhay ko. Mabuti at agad din naman siyang pumayag na lumabas kami.
"Chan!" tawag niya sa akin, at inalis ang suot na sunglasses.
"Late ka ng 2 hours, thirty minutes, and five seconds." pabirong sabi ko sa kaniya, at kunwaring nakatingin sa screen ng smartphone ko.
"Huh?" taka ring tanong niya at tsaka tumingin sa orasan sa wrist niya.
"Biro lang po." I just smirk at her, bago isinilong din siya sa payong na hawak ko.
"Sorry, I'm late, dumaan pa kasi ako sa hospital." malumanay na sabi niya, at inilagay ang maliit na paper bag na dala sa LV niyang sling bag.
May Rx akong nakita, kaya for sure ay gamot niya iyon.
"Okay lang, kararating ko lang din naman." iniwas ko nalang ang tingin sa kaniya at tinanaw ang food court. "Kumain ka na ba? Gusto mo meryenda muna tayo?" malumanay kong tanong at muli siyang nilingon.
Sinuot niya ulit ang sunglasses. "Actually kumain na rin me before I left the hospital,"
"May check up ka ulit?" tanong ko. "Bakit pala lagi kang may check up?" takang tanong ko sa kaniya, at gamit ang kamay ko ay pinapaypayan ko siya, dumidikit kasi ang kaonti niyang buhok sa leeg, banas na banas siguro siya.
"Uhm, masyadong personal iyong sagot eh." nahihiya niyang sagot sa akin.
"O M G, buntis ka ba?!" gulat kong tanong at exaggerated na napatabon pa sa aking bibig.
"Huh? Baliw hindi!" natatawang sabi niya at hinampas pa ako sa aking braso. "Siraulo ka, bakit naman buntis? Kadiri ah!" sabi niya sabay hawi sa maganda niyang buhok.
Ang bango ng hair niya at ang smooth. Nag rejoice ka ba girl? Charizz!
"Wala sa plano ko ang maging mommy 'no!" she added at mariin pang umiling.
"Eh, akala ko kasi. Tsaka hindi ka puwedeng mabuntis 'no, ako dapat iyong Nanay nyan!" pagbibiro ko pa sa kaniya, kaya muli niya akong nahampas sa braso, mahina lang naman iyon.
"Puro ka kalokohan, anyways, umupo muna tayo dun!" itinuro niya ang isang bench at hinala ako.
"Hindi pa nga tayo sumasakay sa rides pagod ka na agad?" ngising tanong ko sa kaniya.
"Sorry ha, may asthma lang." maarteng sabi niya habang patuloy pa rin akong hinihila sa kamay, napangiti naman ako dahil damang dama ko ang malambot niyang palad, halatang wala siyang trabaho sa bahay nila.
"Hala, may plano pa naman akong isakay ka sa ferris wheel, scrambler, dark rides, at rollercoaster."
"Oh, sorry, Chan, about that pala," malumanay niyang sabi.
Umupo muna kami doon sa bench bago siya muling nagsalita. "Bukod sa natatakot akong sumakay sa rides, I have asthma, sorry, tsaka bawal talaga ako sa extreme rides, it could affect my health, sorry po."
"Okay lang, tsaka hindi rin naman kita tinanong, sorry din. Pero okay lang iyon, maglalaro nalang tayo," I said to lift up her mood habang inaayos ang payong at inilagay sa gilid ko.
She took a deep sigh bago muling magsalita. "The truth is," binalingan niya ako ng tingin, kahit pa naka sunglasses siya ay dama ko ang lungkot na dinadala niya. "Wait, can I trust you ba?" bigla ay seryoso ring tanong niya pa sa akin.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)